Friday , October 22 2021

P102-M droga nasabat 2 tulak todas sa buy bust (Sa Taytay, Rizal)

BUMAGSAK nang walang buhay sa anti-illegal drug operation na ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang hinihinalang tulak habang nakompiska ang P102-milyong halaga ng droga, nitong hatinggabi ng Miyerkoles, 28 Abril, sa Highway 2000, bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal.
 
Ayon kay P/BGen. Remus Medina, direktor ng PDEG, kinilala sa alyas na Alvin ang isa sa mga napaslang na suspek, samantala tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasamang nakasuot ng itim na kamiseta.
 
Nabatid na dakong 12:00 am kahapon, nagkasundo ang pulis na umaktong buyer ng shabu dala ang P1,000,000 cash at saka nakipagkita sa mga suspek sa Highway 2000 Ext., sa nabanggit na bayan.
 
Nang maiabot pera, agad tumakas ang mga suspek gamit ang kotse.
 
Ilang saglit pa at narinig putukan sa nasabing lugar.
 
Nagkaroon ng ilang minutong habulan at palitan ng putok sa madilim na bahagi ng lugar kung saan napatay ang mga suspek.
 
Nakuha ng mga awtoridad sa dalawang suspek ang 15 kilo ng pinaniniwalaang droga na nagkakahalaga ng P102,000,000, at isang kotseng gamit sa kanilang ilegal na modus.
 
Ayon kay P/BGen. Medina, miyembro ng sindikatong sangkot sa bentahan ng shabu ang dalawa at konektado kay Michael Lucas na nasakote sa Cavite kamakailan lamang.
 
Bukod dito, idinagdag ng opisyal, isang Chinese national na nakabase sa Hong Kong ang nagbibigay ng hudyat sa malakihang deal ng droga na sangkot ang mga suspek. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

Aiko Best Supporting Actress sa 34th Star Awards for TV

MA at PAni Rommel Placente ITINANGHAL na Best Supporting Actress si Aiko Melendez para sa mahusay niyang …

‘Party drugs’ distributor sa Bulacan, atbp., timbog sa Marikina

NAKOMPISKA ang may 103 piraso ng ‘ ecstasy ’ na tinatayang nagkakahalaga ng P185,400 mula …

Chest X-Ray

Mga empleyado ng Kapitolyo, PDLs sa Tanglaw sumailalim sa libreng TB screening, chest x-ray

SA LAYUNING mahanap ang mga may aktibong Tuberculosis (TB), maipalaganap ang kaalaman, at mabawasan ang …

6K paniki nasabat sa 4 lalaki (Sa San Miguel, Bulacan)

Sa San Miguel, Bulacan
6K PANIKI NASABAT SA 4 LALAKI

INARESTO ng pulisya ang apat na lalaking nahulihan ng mahigit 6,000 wrinkle-lipped bats o paniki …

dead gun police

Sa Negros Occidental
KABIBIYUDANG EMPLEYADO NG CITY HALL TODAS SA BOGA NG TANDEM

ISANG bagong biyudang empleyado ng city hall ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang …

Leave a Reply