Wednesday , June 24 2026

Ellen ok sa live-in pero kinilig nang alukin ng kasal

SA isang interview kay Ellen Adarna, maliwanag na sinabi niyang kung siya lamang ang tatanungin, ok sa kanya ang live-in arrangement. Hindi naman siguro masasabing hindi talaga siya interesado sa marriage, dahil halata namang kinilig siya nang mag-propose ng kasal sa kanya si Derek Ramsay, pero siguro nga gusto niya ang buhay na mas malaya, iyong wala munang commitment.

May mga taong naniniwala sa ganyan at hindi mo sila masisisi, dahil kung iisipin mas maayos naman ang kanilang buhay kaysa roon sa pakasal nang pakasal tapos hihingi ng annulment ng kasal nila. Mayroon diyan hindi lamang minsan o makalawa, mayroon diyan magpapakasal matapos lamang ang isang taon annulment na agad. May malalakas ang loob na kabisado na yata ang batas, ang bilis makakuha ng annulment. May nagpapakasal pa na alam nilang putative marriage iyon from the start. Kung magkakasundo, hindi kikibo. Kung hindi mabilis ang annulment at karaniwan sa babae nanggagaling iyan.

Kaya kung iisipin mo lesser evil iyong nasa isip ni Ellen, kaysa naman pakasal ka tapos hindi naman pala sigurado ang pagsasama ninyo.

Kung si Ellen nagpakasal na noong una pa man, nakailang annulment na kaya siya?

Pero mas marami ang naniniwala na ang babae ang siyang talo sa isang live-in arrangement. Lalo na nga kung magkaka-anak na ang babae. Hindi maikakaila na basta may anak na siya, kagaya nga rin ng sitwasyon ngayon ni Ellen, may iba pang considerations na kailangang isipin. Kasi ano ang magiging kalagayan ng kanyang anak? Ano ang magiging epekto niyon sa buhay ng bata?

Iyan ay mga bagay na kailangang pag-isipan at pag-aralan nang husto lalo na ng mga kababaihan. Kasi sila ang nasa losing end. Iyong isang lalaki, matapos makipaghiwalay iyan, binata na naman iyan. Iyong mga babae hindi ganoon, kasi lalo na kung may anak, may ”additional luggage” na siyang dala.

Kung hindi naman ihahabilin niya ang kanyang anak sa kanyang pamilya at susustentuhan na lang niya, magiging pabigat siya sa pamilya niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …