Wednesday , October 27 2021

70% ng Marikina healthcare workers, handa sa Sinovac — Mayor Teodoro

TINIYAK ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, 70 porsiyento ng healthcare workers ng lungsod ang walang dudang magpapaturok ng Sinovac vaccine mula sa bansang China.

Kasabay nito, hinimok ng alkalde ang 30 porsiyento ng mga health workers, imbes hintayin ang ibang brand ng vaccine ay magpabakuna na rin sila.

Higit na mahalaga umanong mayroong proteksiyon sa katawan upang makaiwas sa nakamamatay na virus na hindi alam kung kailan mahahawaan o tatamaan ang isang tao.

Kasado na rin aniya ang vaccine program ng lokal na pamahalaan kahit naghihintay pa sa bakuna.

Dagdag ni Teodoro, ngayong Lunes (1 Marso) darating ang may 500,000 AstraZeneca vaccine mula COVAX, habang nitong Linggo (28 Pebrero) dumating ang Sinovac vaccine.

(EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Kim Molina, Jerald Napoles

KimJe inaatake ng nerbiyos sa swab in at swab out

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUNOD-SUNOD ang pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina sa Viva Films kaya naman sanay na sila sa …

politician candidate

Substitution rule ng kandidato isinusulong sa Senado

INIHAIN ni  Senador Win Gatchalian ang panukalang batas  na nagbabawal sa pagpapalit ng kandidatong nagdesisyong …

Pantawid Pasada Program, LTFRB, DBCC

Pantawid Pasada Program binuhay,
P1-B CASH AID SA 178K TSUPER IPINANGAKO

ISANG bilyong pisong cash aid ang ipamamahagi ng gobyerno sa 178,000 tsuper ng mga pampublikong …

102621 Hataw Frontpage

Hikayat sa DOH
BAKUNA SA ESTUDYANTE GAWING ‘MANDATORY’

MATAPOS  simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa tinatatawag na ‘general population’ ng bansa, naniniwala si …

arrest, posas, fingerprints

Top 1 MWP ng Pasig, arestado sa CamSur

NADAKIP ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa lalawigan ng Camarines Sur ang …

Leave a Reply