Friday , October 25 2024

KathNiel ‘wag na munang mag-serye

LUMALABAS na pala ang ginawang serye niyong pero parang hindi natin nararamdaman. Wala kasi sila sa free tv, nasa internet lamang at kailangan kang magbayad para mapanood mo sila. Malaki ang kaibahan niyon sa bubuksan mo na lang ang TV at makakapanood na. Ngayon magbubukas ka pa ng computer na may gastos din sa koryente, kailangan may internet, at magbabayad ka pa sa provider para mapanood  sila.

Hindi rin puwede na basta internet lang, dahil kung mabagal ang internet mo, hindi mo iyona mapapanood ng matino. Ngayon sasabihin ninyo, bakit hindi na lang nila inilagay sa free tv? Kasi Kathniel iyan, ang laki ng cost of production. Kung ilalabas nila iyan sa Zoe TV, mahina ang signal, hindi sila makasisingil ng kagaya ng dati sa mga commercial. Delikado ring magtambak sila ng commercials dahil iyang Zoe TV ay isang religious broadcast station at hindi commercial, at saka alam ng advertisers na 60KW power lang iyan. Maliit lang ang maaabot at wala pang provincial relay.

Para masambot ang cost, kailangang maningil sa manonood. Iyon ang problema dahil may mga kasabay naman iyong teleserye na mapapanood ng libre gaya ng dati.

Parang mali nga iyang serye ng KathNiel. Dapat ang ginagawa nila ay parang TeleSine na parang tulad ng ginawa ni Leni Parto  noong araw. Iyon ang kuwento ay wakasan. Baka mas marami pa ang manood. At gawin na nilang TeleSine, dalawang oras para sulit naman ang bayad.

Hindi ito ang panahon para sila mag-teleserye. Maski nga iyong Ang Probinsyano nila apektado na. Isipin ninyo na lumalabas iyon sa 60kw power. Iyong cable company naman nila, malakas sa Metro Manila, pero hindi dinadala ng mga cable operator sa probinsiya iyong Kapamilya Channel dahil nakalaban nila noon ang asosasyon ng mga iyon. Noon ok lang.

Dapat pagkatapos niyan, huwag na munang mag-serye ang KathNiel. Mag-pelikula na lang sila kung magbubukas na nga ang mga sinehan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Tony Labrusca Landers

Tony hindi choosy saan man iinom — We have one life to live, just don’t hurt anybody

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATSIKAHAN namin si Tony Labrusca sa Wine & Liquor Expo media launch sa …

Heart Evangelista Pia Wurtzbach

Heart may mensahe kay Pia: Sana hindi mangyari sa iyo ang nangyari sa akin

MA at PAni Rommel Placente SA  isang interview ni Heart Evangelista, tinanong siya tungkol sa isyu …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco Gumabao nag-aral para paghandaan pagkandidato

HATAWANni Ed de Leon MABUTI naman at naghanda pala kahit paano si Marco Gumabao kasabay ng kanyang …

Quadcom Hearing

Quadcom hearing mas feel panoorin ng netizens kaysa teleserye

HATAWANni Ed de Leon DAPAT mabahala ang mga artistang gumagawa ngayon ng mga serye sa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Boylet na starlet kunwaring seloso para maitago pagkabading

ni Ed de Leon PINALALABAS ng isang boylet na starlet na nagseselos siya kung may lumalapit na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *