Saturday , June 22 2024

Contact tracing sa mga sumugod kay Willie ipinag-utos

INIUTOS ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na magkaroon ng contact tracing, at kung maaari ay maipa-test ang mahigit sa 4,000 nagtipon-tipon sa may likod ng ABS-CBN, dahil naniwala sa fake news na mamimigay ng pera si Willie Revillame noong birthday niya. Ewan naman kung sinong baliw ang nagkalat ng ganoong fake news, kaya gabi pa lang may nagtipon  na ang mga tao roon at tumagal iyon hanggang hatinggabi ng sumunod na araw.

Ang tanong, paano kaya ang contact tracing ang magagawa mo roon, eh hindi mo naman masasabing mga taga-roon lang iyon. Tiyak marami pang dumayo roon mula sa ibang lunsod.

Pero bakit nga ba nakarinig lang sila ng ganoong fake news, naniwala agad sila at sumugod doon?

Iyan ay maliwanag na nangyayari dahil marami na ang nagugutom sa ating mga kababayan. Huwag ninyong sabihing matapos ang halos isang taong lock down hindi sila natakot na baka mahawa sila ng Covid sa gagawin nilang iyon. Pero wala kang magawa, nakakaramdam na ng gutom ang marami. Walang trabaho. Walang ayuda. Wala kahit na anong pag-asa, kaya napipilitang magbakasakali, kung totoo.

Kaso hindi nga eh, kaya kawawa naman sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *