Tuesday , June 25 2024
Krystal Herbal Oil Krystall Yellow Tablet

Binting kinagat ng alupihan agad pinaghilom ng Krystall Herbal Oil at Yellow Tablet (Naglinis ng banyo, insekto nagpulasan)

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Laura dela Cruz, 29 years old, taga-Las Piñas City.

Naglinis po ako ng banyo namin nitong Sabado. Dahil maraming mga nakasiksik na itim-itim sa tiles, winiwisikan ko ng zonrox.

Natutuwa ako dahil mabilis na nawawala ang mga itim-itim.

Pero hindi ko namalayan na naakyat ng alupihan ang binti ko. Nabulabog kasi sila. Naramdaman ko na lang na may kumagat at napakasakit.

Pagtingin ko sa binti ko, wala namang dugo pero masakit talaga, mahapdi.

Agad kong sinabunan at hinugasan ang bahagi ng aking binti na sa palagay ko ay nakagat ng alupihan. Tapos ay pinunasan ng bulak na may alcohol saka ko sinunod ang paglalagay ng Krystall Herbal Oil.

Sinabayan ko rin ng inom ng Krystall Yellow Tablet para hindi magka-impeksiyon.

Kinabukasan paggising ko po, napakagaan ng aking pakiramdam at wala na akong naramdaman na sakit sa aking binti.

Maraming, maraming salamat po Sis Fely dahil sa  napakahusay ninyong imbensiyon.

 

LAURA DELA CRUZ
Las Piñas City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …

E-Sim TNT

Pag-order ng E-Sim ng TNT mas pinadali at pinabilis

MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y …

Krystall Herbal Oil

Kahit agrabyado sa imported rice
MAGSASAKA KALMADO SA KRYSTALL HERBAL OIL

Mahal naming Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Gualberto Estopace, 62 anyos, isang …

Toni Gonzaga Alex Gonzaga Aqua Planet Resort

Toni ipinasara resort sa Pampanga

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng naging bonding ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex gayundin ng ibang miyembro …

Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Beautéderm founder Rhea Tan pinagtibay partnership sa Bb. Pilipinas

PAGKATAAN ng matagumpay na partnership last year, masayang inanunsiyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *