Saturday , July 27 2024

Ray-an Fuentes at pamilya, tinamaan ng Covid

GRABE pala ang tumamang Covid sa singer na si Ray-an Fuentes. Kasama niyang nag-positive ang buo niyang pamilya, pero ang pinaka-grabe ay ang kanyang asawang si Mei Lin Fuentes na nasa ICU na ng ospital at may nakakabit na ventilator. Si Ray-an ay naka-oxygen din dahil nahihirapan siyang huminga, at sinasabi nga niyang sinabihan din siya ng doctor na kung hindi pa aayos ang kalagayan niya ay baka ipasok na rin sa ICU.

Humihingi si Ray-an ng panalangin mula sa kanyang mga kaibigan at ang mga kaibigan naman niya ay nananawagan sa lahat na ipagdasal hindi lamang si Ray-an kundi ang kanyang buong pamilya. Sana naman ay maka-survive sila.

Kaya nga sinasabi ni Ate Vi (Vilma Santos), “kailangan mag-ingat ang lahat. Huwag na munang mag-Christmas party sa taong ito. Lilipas din ang Pasko. Kailangan matiyak natin na sa susunod na Pasko, magkakasama pa rin tayong lahat. Kailangan mag-ingat.”

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *