Friday , October 7 2022

Kasalang Luis at Jessy, ibinuking ni Ate Vi

NADULAS nga yata ng pagkukuwento si Congresswoman Vilma Santos. Sa isang interview sa kanya, nabanggit niyang malapit nang ikasal ang kanyang anak na si Luis sa girlfriend noong si Jessy Mendiola.

 

Siyempre ikinatutuwa iyon ni Ate Vi dahil matagal na naman niyang sinasabing handa na si Luis na magkaroon ng sarili niyang pamilya. Maganda na ang katayuan niya sa buhay, magaganda ang negosyong kanyang napasukan at hindi nga masasabing showbiz lang ang inaasahan niya. Bukod doon nasa tamang gulang na rin naman siya. In fact, 39 na si Luis na para sa mga Pinoy, that is way past marrying age.

 

Kaya isa pang excited din si Ate Vi, aba for her age natural lang na gusto na niyang makaranas na magkaroon ng sariling apo. May apo na siya sa mga pamangkin, pero sa tunay na anak, wala pa. May mga nagbibiro na ngang baka mauna pa si Ryan sa pagbibigay ng apo kay Ate Vi.

 

Si Ate Vi naman, siya iyong tipo ng nanay na kung sino ang gusto ng kanyang anak, walang problema sa kanya. In fact, sinasabi ngang naging close siya sa lahat ng mga naging girlfriends ni Luis noon pa man. Si Luis lang talaga ang masyadong mapili, at sobrang maghanda para sa kinabukasan.

 

Si Jessy naman na girlfriend ni Luis ay nagsabi ring napag-uusapan na nila ang pagpapakasal pero kung gagawin na nga nila iyon, desisyon nilang dalawa iyon.

 

Marami ang humuhula na baka nga malapit na, dahil hindi naman magsasalita ng ganoon si Ate Vi kung hindi niya alam na may balak na nga ang dalawa. Pero habang walang sinasabi si Luis mismo, at si Jessy mismo, hindi natin masasabing talaga ngang malapit na.

Ang advantage ng ginagawa ni Luis, napaghahandaan niya nang husto ang magiging buhay ng kanyang pamilya. Ang disadvantage naman, lumalaki ang age gap nila ng mga magiging anak niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Serena Dalrymple Thomas Bredillet

Dating child star na si Serena Dalrymple ikinasal na

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng dating Kapamilya child star na si Serena Dalrymple sa kanyang Instagram ang ilan sa mga kuhang …

Heart Evangelista

Heart nakabili na ng apartment abroad

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram live kamakailan, ibinahagi ni Heart Evangelista na nakabili na siya ng …

Xian Lim Kim Chiu

Kim umamin: kasal pinag-uusapan na nila ni Xian 

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Kim Chiu saPep.ph, sinabi niya na napapag-usapan na nila …

Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric at Rabiya nagyakapan nang magkita sa GMA 

RATED Rni Rommel Gonzales SPEAKING of kilig, kilig din ang hatid ng recent guesting ng Start-Up …

Jillian Ward

Jillian binulyawan ng doktor

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN ng isang content creator na isa ring doctor na si Dr. Alvin …

Leave a Reply