Sunday , September 25 2022

Sotto, tamang ang Roosevelt ang akmang tawaging FPJ Ave.

IYONG isang malaking bahay na luma riyan sa Roosevelt Avenue na may mataas na bakod na bato ay alam na alam noon pa man ng mga tao roon na “bahay ni Fernando Poe.” Madalas na iyon ay ginagamit pa sa mga shooting ng pelikula ng tatay ni FPJ noong araw. Iyon ang kanilang ancestral home.

Kaya tama ang panukala ni Senate President Tito Sotto na ang Roosevelt ang tawaging FPJ Avenue. Roon ang kanilang ancestral home. Iyong nasa Del Monte Avenue, post production facilities lamang ng FPJ Productions. Iyong Roosevelt ay ipinangalan sa isang presidente ng Kano, na siyang nag-utos pa kay General Douglas Mac Arthur na iwanan na ang Pilipinas noong humihina na ang kanilang depensa. Iyong Del Monte Avenue, ay pinaikling San Francisco Del Monte, na siyang itinawag ni San Pedro Bautista sa lugar na iyon na natuklasan niya noong 1590. Ibinigay ng gobyerno sa kanya ang lupain na noon ay wala pang tao. Bahagi pa iyon ng bayan ng Kalookan na bahagi naman ng probinsiya ng Morong. Nagtayo siya ng simbahan, nagkaroon ng pamayanan at iyan ang Quezon City ngayon.

Siguro hindi naman napag-aralan nang husto iyan ni Senador Lito Lapid na siyang gumawa ng panukalang batas, at naisip niya mas dapat na tawagin iyong FPJ Avenue kaysa nga sa ipinangalan lang sa “isang marka ng juice.”

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …

Vhong Navarro Tanya Bautista

Misis ni Vhong nananalig mapapawalang-sala ang asawa

HUMARAP kahapon ng hapon ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista para maglabas ng saloobin ukol sa …

Leave a Reply