Saturday , October 1 2022

Kim Chiu, dinalaw ng tikbalang?

NATAWA kami sa isang social media post ni Kim Chiu, iyon daw kaibigan ng ate yata niya, may nakitang kakaiba sa isang litrato niya. Kasi iyong tao raw ay “may third eye,” at nakita niyon na may nakasilip na tikbalang sa bintana ng kuwarto niya. Sa iba pang kopya ng pictures, binilugan pa nila kung saan nakita iyong sinasabing tikbalang. Maliwanag daw ang malaking parang ilong ng kabayo.

 

Pero ilang beses naming tiningnan, izinoom pa namin ang picture pero wala naman kaming nakitang tikbalang. “Kasi baka dahil wala naman tayong third eye,” sabi ng kakuwentuhan namin.

 

Iyang tikbalang ay bahagi na ng mga kuwentong bayan natin dito sa Pilipinas. Kung iisipin, parang sa Pilipinas lang yata sinasabing may tikbalang. Kasi ang tikbalang ay katawan ng tao at ulo ng kabayo, ang sinasabing hitsura. Kabaliktaran naman iyan ng “centaur” na bahagi naman ng mga kuwento noon sa Europa na may katawan ng kabayo pero ang ulo ay kalahating katawan ng tao.

 

Iyan namang tinatawag na “third eye.” nagsimula iyan sa mga mongheng Buddhist, na ang ibig sabihin ay ang mas malakas nilang pakiramdam. Ganoon nga siguro dahil nasanay sila sa meditation. Hindi nangangahulugan iyan na may isa pang mata ang tao. Kasi kung tatlo ang mata niya, abnormal siya kung hindi man matawag ding isang maligno.

 

Kaya sa lahat ng kuwento niyang si Kim, diyan kami talagang natawa, roon sa may nakitang nakasilip na tikbalang sa bintana niya. In the first place, sarado ang bintana dahil natural naka-aircon naman siya sa kanyang kuwarto. At kung mayroon ngang tikbalang, hindi ba siya dapat ang unang makaramdam niyon kaysa isang “may third eye” na nakakita lamang ng picture? Ano iyon wala bang pakiramdam si Kim at iyong kumuha ng picture?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply