Wednesday , June 24 2026

Caridad Sanchez, may Dementia

MAY dementia na pala si Caridad Sanchez. Iyan ang inamin ng kanyang anak sa isang television interview ni Mario Dumaual. Mahirap na sakit iyang dementia. Pero suwerte na rin si Aling Caring, dahil at least 87 na pala siya. Iyang dementia rin ang ikinamatay ng singer na si Helen Reddy noong nakaraang linggo lang at iyon ay 78 lamang.

Noong araw ang akala namin sa dementia, nakalilimot lamang. Noong magkaroon ng ganyang sakit ang isang entertainment columnist na kaibigan namin, at nakausap namin ang kanyang doctor, noon namin nalaman na fatal pala iyan. Kasi darating ang panahon na makakalimutan na rin niya kung paano kumain, ang matindi, makakalimutan na rin niya kung paano huminga at iyon na ang katapusan.

Ipagdasal na lang natin si Aling Caring, na nawa ay humaba pa ang kanyang buhay.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …