Thursday , June 4 2026

Showbiz industry, napilay sa pagkawala ni Manay Ichu

MARAMI ang nanghihinayang sa maagang pagpanaw ni Marichu Perez Maceda, o si Manay Ichu. Isa si Manay Ichu sa pinaka-progresibong lider ng industriya ng pelikula sa ating bansa, at marami ang umaasa na pagkatapos nitong pandemya, isa siya sa mga magsisikap at makaiisip ng paraan para muling ibangon ang industriya. Sa totoo lang, sila naman kasi ang nakaaalam kung ano ang dapat gawin dahil nabuhay sila sa industriya. Iyan namang ibang lider ngayon kaya lang nandiyan dahil mga political appointee iyan na sa loob lamang ng isa o dalawang taon, mawawala na lahat iyan. Ang maiiwan iyong mga lehitimong lider, kagaya nga ni Manay Ichu.

Hindi problema iyong kanyang edad eh, napakalakas pa ng katawan ni Manay, in fact, busy pa nga siya dahil sa Metro Manila Film Festival, at iyan nga ang inaasahan niyang magiging simula ng muling pagbangon ng industriya. Iyan ang sinasabi niya eh, kung magbubukas nga ang mga sinehan sa Disyembre, at ang mga pelikula sa festival ay kikita naman, magandang simula na nga iyon. Pero sinasabi nga niya, hindi rin ganoon kalaki ang inaasahan niyang kita dahil sa ipinatutupad pa ring social distancing sa loob ng mga sinehan kung sakali.

Pero ngayong wala na si Manay Ichu, sino kaya ang susunod sa kanyang mga yapak? Mabilis na nagpahayag ng kalungkutan si Congresswoman Vilma Santos, na matagal na kaibigan ni Manay Ichu. Si Ate Vi naman kasi sa Sampaguita nagsimula noong 9 years old pa lang siya, halos sabay din silang lumaki ni Manay Ichu.

Mabilis ding nangpahayag ng kalungkutan si dating Presidente Erap Estrada. Katulong kasi niya si Manay Ichu nang itatag nila ang Mowelfund. Malaki rin ang kinalaman ni Manay Ichu sa pagkakatatag ng Film Academy of the Philippines na matagal din siyang director-general. Si Manay Ichu rin ang kauna-unahang chairman ng FDCP.

Talagang pilay ang industriya ngayong wala na si Manay Ichu.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …