Friday , May 17 2024

Joshua, bigong makausap si Gerald

SA totoo lang, hindi naman dapat na maging kontrobersiyal kung nag-split man sina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Wala rin namang usapan dapat kung naghiwalay man ng landas sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Nagkaroon lang ng gulo noong mag-deny sina Gerald at Julia, pero sinabi naman ni Dennis Padilla na totoong nanliligaw si Gerald sa anak niya.

Nadagdagan ang gulo nang ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto ay nakisimpatiya kay Bea na kaibigan naman kasi nila. Pero dahil doon nagkagulo ang pamilya, at nangyari pa ang eskandalo sa burol ng kanilang ama, at sa harap pa ni Presidente Digong. Iyon ang nagpalala eh.

Tapos ano, ang sinisisi ng nanay ni Julia ay ang press, na siya raw nagpalaki ng gulo. Pero may masasabi ba naman kung walang nangyayari?

Ngayon nagsisimula na namang umugong ang mga kuwento, dahil sa sinabi ni Joshua na gusto niyang makausap si Gerald para sabihing wala namang problema sa kanilang dalawa. Hindi siya sinagot ni Gerald, pero para sa kanya ok na iyon.

Ang mahalaga kasi kay Joshua, masabi niyang wala siyang sama ng loob kanino man. Napakaliit nga naman ng industriya at tiyak na magkakasalubong din sila isang araw, at ayaw niya iyong may samaan pa sila ng loob.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *