Wednesday , February 21 2024

Clinical trial ng Avigan nakabitin pa

HINDI pa rin nauumpisahan ang clinical trials sa Filipinas ng anti-flu drug na Avigan bilang posibleng treatment sa CoVid-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may delays pa rin sa ethics review  na ginagawa ng ilang ospital para sa trial ng nasabing gamot.

Mula sa apat na pagamutan na target paggawan ng trials, ang UP Philippine General Hospital pa lang daw ang nakausad. Sa ngayon inire-review ng ospital ang memorandum of understanding sa grupo na magsasagawa ng trials.

Nasa proseso naman ng ethics review ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, Sta. Ana Hospital, at Quirino Memorial Medical Center.

Kapag natapos ng mga ospital ang nasabing proseso, kailangan nilang maka-secure ng clinical trial agreement mula sa DOH na pirmado ni Health Secretary Francisco Duque.

Noong 10 August ang unang schedule ng Avigan trials, pero nalipat ito ng August 17 at September 1. Target gawin ang trials sa 100 pasyente sa loob ng siyam na buwan.

Kinompirma ni Usec. Vergeire na nakatanggap ng 1,300 tablets ng nasabing gamot ang lungsod ng Maynila. Pero paglilinaw ng opisyal, “for compassionate use” nila ibinigay sa Sta. Ana Hospital ang Avigan at hindi para sa clinical trial.

Donated ng Japanese government ang Avigan na orihinal na idinisenyo bilang anti-flu drug.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Valenzuela city magtatayo ng command center Nagbigay pa ng 2 swat van

Nagbigay pa ng 2 swat van
Valenzuela City magtatayo ng command center 

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang …

shabu drug arrest

2 tulak, nalambat sa buy-bust

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nalambat makaraang kumagat ang mga ito sa isinagawang …

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril 10 pa law violators dinakma

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril; 10 pa law violators dinakma

ISANG lalaki na nag-iingat ng iligal at hindi lisensiyadong baril ang inaresto ng pulisya kabilang …

San Pedro Apostol Simbahan bumagsak

Balcony bumagsak habang pari at lay ministers nagpapahid ng abo sa noo ng mga deboto
80-ANYOS LOLA PATAY SA INAANAY NA PALAPAG NG SAN PEDRO APOSTOL

ni MICKA BAUTISTA at ng HATAW News TEAM HINDI nakaligtassa kamatayanang isang 80-anyos lolang deboto …

Alan Peter Cayetano

Cayetano isinulong maayos na alert system para preparasyon sa banta ng kalamidad

BINIGYANG-DIIN  ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *