Wednesday , June 24 2026

Congw. Vilma, nabahala — Tagilid ang movie industry

AMINADO si Congresswoman Vilma Santos na talagang sa ngayon ay tagilid ang movie industry at ang masakit, sinasabi nga ng mga observer na hindi ito agad makababangon.

“Ang unang problema talaga natin iyang Covid-19. Dahil sa pandemic sarado ang mga sinehan. In fact, isa iyan sa mga unang establishments na ipinasara, at iyan ang isa sa pinakahuling papayagang magbukas. Totoo na may ibang platforms na maaaring paglabasan ng pelikula natin. Ngayon nauuso na iyong mga paid viewing sa internet kagaya niyang Netflix, kumikita rin ang pelikula riyan. Pero iyan ay long term. Una, hindi naman ganoon kalaki ang kita. Ikalawa, hindi mabilis maibayad ang kinikita.

“Kung iisipin mo, ang buhay ng mga pelikula ay sinehan pa rin. Kasi day to day nakikita mo kung magkano ang kinikita ng isang pelikula. Pinakamatagal na rin ang three months, nakukuha na ng producers ang kanilang film share. Ngayon mabilis na rin dahil ang mga pelikula nga natin simultaneous na kung ilabas sa buong Pilipinas, pero kailangan mabuksan muna ang mga sinehan,” sabi nga ni Ate Vi.

Ano ang nakikita niyang future ng industriya?

“Alam mo kung mawawala lang itong pandemic na ito at magiging safe na ang lumabas, I’m sure ang mga unang-unang pelikulang ilalabas sa mga sinehan, kahit na ano pa iyan magiging malalaking box office hits. Sabik ang mga tao eh.

“Pagbabalik sa pelikula ng mga big star, lalong magiging malaking hit ang pelikula. Baka iyong target na P1-B mark sa isang pelikula malampasan na. Totoo na tiyak iyan matapos man ang pandemic masama pa rin ang ekonomiya, pero kung pag-aaralan ninyo, basta masama ang ekonomiya, malakas ang mga sinehan kasi naghahanap ang mga tao ng relief. Ako maganda pa rin ang palagay kong mangyayari sa pelikula, matapos na itong mga problemang ito, at sana iyan namang mga nasa industriya magkasundo-sundo na,” patapos na pahayag ni Ate Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …