Thursday , June 4 2026

Angel, posibleng balikan ang nagbintang sa kanyang ‘nanloko’ siya

IYONG 1,300 gallon ng alcohol, kayang-kayang bayaran iyon ni Angel Locsin. Siguro naman sa katayuan niya sa buhay, masasabing “maning-mani” na lang sa kanya ang ganoong halaga. Nakabuo nga siya ng mga tent na ang halaga ay P11-M. Ngayon nakakapagpa-mass testing siya ng mga pasyente. Bakit hindi niya mababayaran iyong 1,300 na gallon ng alcohol?

 

Ang isa pang punto, kung si Angel kaya ay nangangailangan ng alcohol na ganoon karami, oorder ba siya on line? Bakit niya gagawin iyon eh endorser siya ng isang pharmaceutical company na gumagawa rin ng alcohol. Kung kailangan niya ng alcohol, baka hindi pa niya bilhin iyon. Tiyak iyon ido-donate na lang ng pharmaceutical company. At iyon ay branded pa.

 

Isa pang punto, hindi nakausap ng seller ng alcohol nang personal si Angel. Ni hindi niya nakausap kahit na sa telepono man lang. Naka-chat niya sa internet, at doon nag-order. Paano ka nasiguro na si Angel nga ang ka-chat mo eh ang daming poser account? Bakit hindi sila nagsiguro, eh kung iyon ngang food delivery lang may naloloko pa eh.

 

Ang sinasabi ni Angel, naniniwala siya na ang supplier ay naloko ng kung sino na gumamit ng kanyang pangalan. Naaawa siya sa supplier nang mabalitaan niya iyon at naisip niyang kahit na hindi siya ang nag-order talaga, babayaran na lang niya iyon. Kawawa naman iyong maliit na negosyante.

 

Pero ang ginawa niyong supplier, aba nagpunta agad sa pulis at ipinagharap ng sumbong si Angel. Natural maiinis iyong tao, at ngayon ang sinasabi nga niya aba eh, kailangang patunayan nila na siya ang sinasabi nilang “nanloko” dahil kung hindi, maaari pa niyang balikan ng demanda iyon dahil sa nakasisirang ginawa sa kanya.

 

Kasi naman bakit hindi muna nilinaw eh, basta tumakbo sa pulis agad.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …