Monday , December 6 2021

Aktor, dapat unahin ang problema ng showbiz bago ang usaping political

HINDI nga maikakaila na ang pagkakatatag ng panibagong grupong League of Filipino Artists, o Aktor ay in conflict sa KAPPT, o ang Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon na siyang guild sa ilalim naman ng FAP. Siguro nga ang conflict ay dahil may mga artistang nagsasabing hindi na maipaglaban ng KAPPT ang karapatan ng mga artista. Marami rin ang kumukuwestiyon nang si Imelda Papin na mas kilala bilang isang singer ang siyang naging presidente ng KAPPT.

Pero ang problema naman ng guild, hindi iyon sinusuportahan ng mga artista mismo. Iyong mga sikat, ni hindi halos uma-attend kung may meeting ang kanilang guild. Kaya ang KAPPT ay napunta sa mga maliliit na artista lamang. Iyong malalaking artista, iyan ngayon ang nagbuo ng grupong Aktor.

Ok lang naman siguro kung dalawa silang guild. Ganyan din ang nangyari sa mga director nang itatag ang DGPI, at naiwan naman ang iba sa naunang KDPP.

Ang puna lang ng iba, itong bagong grupong Aktor ay mukhang may “political nature” rin naman. Hindi lang kasi ang problema ng mga artistang Filipino, o ng industriya ng pelikula ang kanilang tinatalakay. Pati na ang kanilang mariing pagtutol sa Anti-Torrorist Law. Pero nagsisimula pa lang sila, para na silang dinagukan dahil pinirmahan ni Presidente Digong para maging batas ang nilalabanan nilang Anti-Terrorist Bill pa lamang noon. May mga nagsasabing maganda iyang samahang Aktor, pero sana unahin muna nilang harapin ang mga problema ng mga artista sa industriya bago ang ibang usaping political.

Baka lalong hindi nila makuha ang mga bagay na kanilang ipinaglalaban kung wala silang makukuhang ayuda mula sa gobyerno, kaya mas dapat sabi nga, na iwasan muna nila ang mga usaping political, na mukhang mahirap ngang gawin dahil karamihan naman sa kanila ay mga hayag na kampi sa oposisyon.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Eric Santos Angeline Quinto

Angeline Quinto buntis nga ba?

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI kaagad nakasagot si Eric Santos nang tanungin siya ni Nay Cristy Fermin kung buntis …

Beatrice Luigi Gomez Rabiya Mateo Catriona Gray Janine Tugonon Miriam Quiambao

MUP winners may sumpa nga ba sa lovelife?

KITANG KITA KOni Danny Vibas HINDI naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” ang …

Leave a Reply