Saturday , May 18 2024

Juday, Bela, AshMatt, at Angel, mabilis na nakalikom ng tulong

DAHIL sa walang shooting, walang taping, walang out of town shows, mabilis na nakakikilos ang mga star para gumawa ng kanya-kanyang proyektong pantulong sa mga biktima niyang enhanced community quarantine. Marami kasi ang nawalan din ng trabaho at walang makain. Marami naman ang mga frontliner na napakaraming trabaho, hindi na halos makauwi, hindi na makakain nang maayos at wala pang mapagpahingahan na maayos din. Lalo na nga iyong mga medical worker, iyong pinapasukan nilang mga ospital puno na ng pasyente kaya saan pa sila matutulog.

Pero napansin namin, siguro nga dahil sa kanilang popularidad at dahil sa malinis na image at tiwala ng mga tao sa mga artista, ang bilis nilang lumikom ng tulong. Sa loob lamang ng ilang oras, nakakuha ng donasyong P4-M sina Sarah Geronimo at Matteo Gudicelli. Sa loob ng apat na araw, nakakuha ng mahigit na P3-M si Bela Padilla. Ang bilis na nakakuha ng mga bedding at tents ni Angel Locsin para sa mga frontliner na gusto niyang tulungan. Kung iisipin ninyo, iyang si Angel  sunod-sunod na ang fund campaign. Nauna para sa mga biktima ng lindol, at bago pa iyan nakailang bagyo, disaster, at pagputok ng bulkan na siya.

At iyong tulong ni Angel ay mula sa personal niyang pera at mga tumutulong sa kanya, kaya sinasabi niya kung saan niya dinadala ang tulong. Hindi gaya ng mga politiko, tumutulong daw pero ang ginagamit naman ay pera rin ng bayan.

Bakit mabilis makakuha ng tulong ang mga artista? Una, nalalaman ng tao kung saan dinadala ang ibinibigay nila. Si Bela, diretso sa Caritas, sa Pasay at sa iba pang institusyon. Si Judy Ann Santos, sila pa mismo ang naghahatid ng niluto nilang pagkain sa mga frontliner at mga wala nang makain. Si Angel nakapagpatayo na ng mga living tent na kompleto sa beddings para sa mga frontliner sa Taguig, at hindi basta tulugan iyon, hahatiran din ng pagkain ang mga naroroon.

Iyong mga editor nga naming nasa SPEEd, iyong iba ay wala ring kinikita sa ngayon dahil tumigil pansamantala ang mga diyaryo nila eh, nakapaghahatid pa ng pagkain sa mga nangangailangan.

Kaya magtataka pa ba kayo kung bakit mas mabilis na makakuha ng suporta ang mga pribadong mamamayan kaysa mga politiko?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *