Thursday , August 18 2022

Sa ABS-CBN franchise… Senate bill hindi concurrence resolution — Sotto

HINDI pabor si Senate President Vicente Sotto III na maghain ang senado ng Concurrence Senate Resolution na nagla­layong bigyan ng pro­visional authority ang National Tele­communication Commission ( NTC) para makapag-isyu ng provisional permit to operate ang ABS-CBN hangga’t hindi pa naa­aksiyonan ng kongreso ang franchise bill ng naturang network.

Ito ang naging reak­siyon ni Sotto sa pana­wagan ng NTC na maghain ng con­currence resolution ang senado na agad tinugunan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na naghain ngayong araw.

Ayon kay Sotto, imbes concurrent resolution, mas maka­bukabuting maghain ng panukalang batas ukol dito.

Buwelta ni Sotto sa NTC, bakit ipinapasa sa kanila ang obligasyon na maaaring ang NTC ang mag-isyu ng temporary permit to operate na nagawa na noon.

Ukol naman sa inihaing resolusyon ni Drilon, sinabi ni Sotto na kanya muna itong pag-aaralan at pag-uusapan ng mga kasamahang senador sa kabila na nagpahayag na mas makabubuting maghain ng Senate bill imbes resolution.

Magugunita, noong nakaraang pagdinig, mismong si Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ay hinikayat ang senado na maghain ng concurrence resolution na nag­lalayong bigyan ng provisional authority ang NTC.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Angelica Panganiban Camille Prats

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay …

Vico Sotto

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi …

Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 

PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel …

shabu

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation …

earthquake lindol

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, …

Leave a Reply