Wednesday , December 1 2021

Kris, ‘di Iniwan si Bimby kahit bawal sa sakit niyang autoimmune disease

HINDI umalis si Kris Aquino sa tabi ng may sakit na anak na si Bimby kahit alam niyang madali siyang mahahawa ng lagnat dahil sa kanyang autoimmune disease. Dahil din sa pagkakasakit ni Bimby kaya na-extend ang pagbabakasyon nila sa Japan. Nauna tuloy umuwi sa Pilipinas ang panganay ni Kris na si Josh kasama ang aktres at family friend nilang si Erich Gonzales at RB Chanco.

Kahit nga may work commitments at may court appearance si Kris ay hindi niya pwedeng iwan si Bimby hangga’t pwede na itong sumakay ng eroplano at makauwi ng Pilipinas.

Ayon nga sa Instagram post ni Kris, “No matter that my bunso is almost 5’11, and he’s 185 lbs, pag nilagnat he’s still my baby. my ate was worried baka mahawa ako (bawal talaga sa autoimmune condition ko to get a fever) BUT dumedma, bimb’s fever was 39.6 nung madaling araw. The whole day hovering sa 38.4 to 39 tonight- so super bantay ako. When he was shivering from his fever, i doubled his blankets and just embraced him (i’m about 80 lbs less than him) but i believe iba ang alagang mama.

“We are being responsible, i know dapat 72 hours na no fever bago mag airplane, we were supposed to take the midnight flight, meaning airport by 10 PM on the 5th. Kuya Josh will fly home w/ RB & Erich, Bincai & i will extend until Bimb’s okay… i had some work commitments & a court appearance BUT my bunso’s health comes first. Communicated na with @jeffvadillo to explain about work, as well as Divina Law for one RTC because this wasn’t a situation any of us wanted.”

Na-touch din si Kris sa sinabi ni Bimby sa kanya. “Share ko lang how compassionate bimb is, hindi sya makakain, no gana, threw up when he tried & having trouble getting up to walk. He said, ‘mama now i know how you feel when you’re weak and i love you very much because you go through this every week but you still try.’ #love

Buti na lang din at kasama nila sa Japan sina Erich at RB dahil ang dalawa ang nakakasama ni Josh sa pamamasyal at pagkain sa labas habang nakabantay si Kris at Yaya Bincai kay Bimby.

Sabi nga ni Kris sa isa pa niyang IG post, “kami ni bincai ang nakabantay kay bimb… @rbchanco & @erichgg are making kuya HAPPY, eating in NABEZO. Thanks @ging.md@ayenuguid for our WhatsApp & iMessage consultations, relief that it’s a virus. And hopefully by Tuesday Bimb will be fully recovered. Have a healthy weekend to all. From a tired but relieved mama (who edited kaya naipasok si RM of @bts.bighitofficial #army) good night.”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply