Saturday , November 27 2021

‘Wag idamay si Erich — pakiusap ni Kris sa netizen

NAKIUSAP si Kris Aquino na huwag idamay ang isa sa mga anak-anakan niya sa showbiz, si Erich Gonzales sa kontrober­siyang kinasasangkutan nina Julia BarrettoGerald Anderson, at Bea Alonzo.

Usap-usapan ngayon ang break-up nina Gerald at Bea, at ang itinuturong dahilan umano ng hiwalayan ay si Julia.

Isang netizen kasi ang nagsabi kay Kris sa social media na hingan ng reaksoyon si Erich tungkol kina Julia, Gerald, at Bea.

Ayon sa netizen, ”Kris, ask naman erich about the julia-bea feud. she’s bff with julia and friends with gerald.”

Sinagot naman ito ni Kris, ”pwedeng wag nega? and ang hindi natin buhay wag na natin guluhin especially erich na hindi directly involved? obviously alam natin mahal ko si bea but diba unfair to judge julia because why do we always blame the girl? i can already feel the Gerald fans will blast me for this, but i have always told bimb, hindi mahirap maki break. Respect someone you cared about enough to give them closure, then move on. Ganun lang ka-simple yun. Masakit ang goodbye pero mas masakit ang hindi worth a goodbye. So please respect women??? And don’t pit them against each other. Even those with no issues.”

Kasama ngayon ni Kris at ng mga anak niyang sina Josh at Bimby si Erich sa pagbabakasyon sa Japan. Nag-post pa si Kris sa Instagram ng group picture nila habang nagdi-dinner sa isang restaurant sa Tokyo. Kasama rin nila sina Yaya Bincai at RB Chanco.

Sabi ni Kris sa IG post niya, ”Dinnertime. #family (with 1 of my adopted ‘panganays’)… bimb took the shot kaya half lang his face. Enjoy your night.”

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply