Thursday , February 2 2023

Josh at Bimby, pinagbigyan ang good skin obsession ni Kris

MAHAL na mahal talaga nina Josh at Bimby si Kris Aquino kaya kahit ang good skin obsession ng kanilang Mama ay pinagbigyan nila.

Marami ang pumupuri sa magandang kutis at balat ni Kris, at siyempre gusto rin niyang pati ang mga anak ay magkaroon ng good skin kaya tinuturuan niya ang mga ito ng pangangalaga rito.

Inihayag nga ni Kris sa kanyang Instagram na since 16 years old si Josh ay nagpupunta na ito sa Dermatologist. Kaya it’s time na si Bimb naman ang magpa-derma.

Dahil nahihilig si Kris sa mga Korean drama at K-Pop stars katulad na lang ng super sikat na BTS, kaya pati ang facial masks ng naturang grupo ay ginagamit nina Josh at Bimb.

Lahat iyan ay makikita sa video clip na ipinost ni Kris sa IG at nakalagay sa caption nito na, “please watch the video… if you need proof of how much my 2 love me, it’s here. i saw in #descendantsofthesun that the members of the (South Korea) army were using face masks, so my 2 are now using the @bts.bighitofficial masks sent to me. Kuya’s been going to the dermatologist since he was 16. Bimb started yesterday. i know how much i love them, but it’s safe to say, EQUAL ang pagmamahalan namin dahil pinagbibigyan nila talaga ang good skin obsession ko & they understand kailangan mag alaga ng kutis.

“And i also wanted all of you to know, yung gifts nyo, especially picture books about K Dramas (with @kyo1122) &#BTS; anything & everything from & about Japan; lahat ng pink things; and basta may hearts SUPER appreciated and talagang ginagamit. THANK YOU for all the thoughtful generosity! Good night from my happy place.”

ni GLEN P. SIBONGA

About Glen Sibonga

Check Also

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

HATAWANni Ed de Leon BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay …

Leave a Reply