Friday , January 28 2022

Christian, nakamukha ni Coco sa The Panti Sisters poster

MARAMING netizens ang nagkomento sa social media na nakakamukha ni Christian Bables si Coco Martin. Ito ay sa inilabas na official movie poster ng The Panti Sisters na nakamukha ng una si Coco bilang Paloma sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Maaalalang kinatuwaan din ng mga manonood si Coco nang magdamit babae siya sa katauhan ni Paloma para tugisin ang mga masasamang loob sa FPJAP. Balik naman sa pagdadamit babae at pagganap sa gay role si Christian sa The Panti Sisters matapos ang award-winning performance niya bilang gay bestfriend sa Die Beautiful.

Ayon nga sa komento ng isang netizen, “Akala ko noong una si Coco Martin ‘yung nasa left. Haha kalerks!”

Dagdag pa ng isa, “omg i thought its coco martin… si christian pla hehehe”

Ang isa pang netizen ay nakatuwaan pang tanungin kung bakit hindi kasama si Paloma sa movie, “Baket wala si paloma. Hahaha”

Bonggang-bongga nga ang hitsura sa movie poster ng mga bida ng The Panti Sisters na sina Christian, Paolo Ballesteros, at Martin Del Rosario. Kaya naman karamihan sa mga komento sa social media ay nagsasabing ang gaganda nina Paolo, Christian, at Martin sa poster. Excited na rin silang mapanood ang movie at aabangan nila ito sa mga sinehan.

Ang The Panti Sisters, directed by Jun Robles Lana and produced by The IdeaFirst Company, Black Sheep and ALV Films, ay official entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino organized by Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chairperson Liza Diño Seguerra.

Ipinost ng The IdeaFirst Company sa kanilang official Facebook page ang movie poster at ayon sa caption nito, “Family is Fabulous! From the creators of DIE BEAUTIFUL and ANG DALAWANG MRS REYES comes a movie that’s funny x3! THE PANTI SISTERS directed by Jun Robles Lana, coming this September, an Official Entry to the 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino! From Black Sheep, The IdeaFirst Company and ALV Films.”

Ayon naman sa post sa official FB page ng Black Sheep, “Hindi lang baklang twoooooooo… nagsama na silang tatlo! Martin del Rosario, Christian Bables and Paolo Ballesteros star in The Panti Sisters, coming to you this September 2019! #ThePantiSisters #PPP3 #PistaNgPelikulangPilipino2019.”

Thankful and happy naman si Direk Perci Intalan, ang executive producer ng movie sa side ng The IdeaFirst Company, sa partnership nila ng Black Sheep at ALV Films.

“Nakatutuwa ang suporta nila. Mula noong nabalitaan pa lang nila na isinumite namin ang project sa PPP, ramdam ko ang excitement nila,” sabi ni Direk Perci.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina John Arcilla, Carmi Martin, at Rosanna Roces. Mapapanood ang The Panti Sisters bilang bahagi ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino na tatakbo mula Setyembre 13 hanggang Setyembre 19 sa mga sinehan nationwide.

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

About Glen Sibonga

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply