Monday , July 4 2022

Script ng Feelennials, mahusay; Timing nina Ai Ai at Bayani, nakatatawa

NOONG magpunta kami sa sinehan para panoorin iyong pelikula nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani, iyong Feelennials, nakahanda kaming ang mapanood ay iyong mga karaniwang comedy film na nakikita namin. Pero hindi pala ganoon ang pelikula. Iyong pelikula nila ay kagaya ng mga “glossy films” na ginagawa ng mga major film company noong araw, na hindi na natin nakikita sa ngayon dahil ang mga pelikula nga ngayon, binabarat ang pagkakagawa.

Iyong location ng kanilang pelikula, puro magagandang lugar, at sa aminin natin o hindi, mahal ang bayad para makapag-shooting ka sa mga lugar na iyan. Nagsimula sila sa ilang drone shots. Noong araw mahirap gawin ang mga ganyang aerial shots dahil kailangang gumamit ng eroplano o helicopter na mahal ang rental. Ngayon hindi na problema iyan dahil may drone.

Mayroon pang isang maikling eksena, pero gumamit sila ng motorboat, mahal din ang rental niyan. Kung titingnan mo, mahusay ang production design.

Iyong dialogues, matatawa ka talaga. Bukod sa mahusay ang timing nina Aiai at Bayani, mahusay ang pagkakasulat ng script. Naalala nga namin ang mga linya sa mga script ni Maning Borlaza noong araw. Iyong istorya simple lang pero ok din naman.

Sa kabuuan masasabing maganda ang pelikula. May mga parte pang siguro ay maaaring mabawasan sa editing, kasi may kahabaan ang pelikula at baka maging limitado ang kanilang screening hours kung ganoon kahaba. May mga eksena kasing humaba kahit na hindi naman dapat.

Ang isa pang punto riyan, ang babatak lang ng tao sa takilya ay sina Aiai at Bayani. Bagama’t mahusay ang support na sina Arvic Tan at Raffy Roque, wala pa silang track record sa takilya. Ngayon nga lang yata nakagawa ng ganyang pelikula iyang dalawang iyan eh. Pero mahusay sila.

Iyang mga ganyang pelikula, sana kumita.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply