Friday , April 26 2024

3rd Eddys nominees, ‘di popular choice ang pinagbasehan

HINDI naging basehan ang “popular choice” sa ikatlong Eddys na ibibigay ng samahan ng mga lehitimong entertainment editors ng mga lehitimong diyaryo sa taong ito. Iyong limang napili nilang best picture nominees ay kinikilala sa kahusayan, pero isa man sa mga iyon ay hindi naging box office hit. Puro sila pasang awa sa takilya.

Pero hindi naman talaga iyong kita ang basehan. Kasi ang kategorya nga ay “best picture” ibig sabihin iyong sa kanilang judgement ay siyang pinakamagandang pelikula sa lahat ng napanood nila. Lahat naman ng may K pinanood nila.

Gayunman, sa katergoryang best actress napansin naming may tatlong sikat ngayong mga artista, sina Kathryn Bernardo, Sarah Geronimo, at Nadine Lustre. Sila ang makakalaban ng mga beteranong sina Gloria Romero, Judy Ann Santos, Angelica Panganiban at iba pa.

Sa best actor, nakasingit ang ngayon ay number one matinee idol na si Daniel Padilla, na siyang makakabangga ng iba pa.

Kung pagbabasehan mo ang nominasyon, sa taong ito, ang Eddys ay desididong ibigay ang kanilang parangal doon sa mga inaakala nilang mahuhusay na pelikula, wala mang commercial value ang mga iyon. Kung tutuusin naman kasi ang dapat tumingin doon sa may commercial value iyong nagbibigay ng award sa box office, na kung minsan nakakapagduda rin.

Ano man ang mangyari, iyan kasing Eddys, iyan ang inirerespetong award ngayon sa industriya dahil sa loob ng tatlong taon, wala pang naririnig na kung ano mang anomalya mula sa kanila. Aba eh, malaking kahihiyan naman kung magkakaroon ng anomalya dahil editors lahat ang mga iyan, at tangay nila pati ang pangalan ng kanilang mga lehitimong diyaryo. Hindi bale sana kung editor lang ng isang diyaryo na ipinambabalot ng tinapa at tuyo sa Divisoria, eh iyong mga diyaryo nila, iyan ang binabasa.

Kaya ano man ang kalabasan niyan, tanggap iyon ng publiko.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *