Thursday , June 13 2024

PhilSA aprub

PASADO sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na layong buuin ang Philip­pine Space Agency (PhilSA).

Ipinanukala ni Sen. Benigno “Bam” Aquino IV, ang Senate Bill No. 1983 o ang “Act Esta­blishing the Philippine Space Development and Utilization Policy and Creating the Philippine Space Agency.”

Ayon kay Aquino, ang paglulunsad sa isang space program ay maka­pagbibigay sa mga Filipi­no ng bago at maha­halagang pananaw na posibleng makatulong sa ilan sa pinakamalalaking problema ng bansa.

Malaki aniya ang maitutulong ng satellites sa disaster management lalo sa pagbibigay ng accurate information sa prediksiyon ng sakuna at komunikasyon sa kasa­gsagan naman ng relief and recovery operations.

Iginiit ni Aquino, malaki ang maitutulong ng space agency sa agri­kultura, environment conservation and pre­servation, urban planning, transportation at com­munication networks.

Sakaling maging isa nang ganap na batas, bubuuin ang Philippine Space Development and Utilization Policy na magsisilbing strategic roadmap ng Filipinas para sa space develop­ment.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

shabu drug arrest

Tulak timbog sa Navotas buybust ops

ARESTADO ang isang lalaki na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos kumagat …

Pastor Quiboloy

Warrant of arrest isinilbi vs Quiboloy, 5 iba pa

NAGTUNGO ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF) …

Bagong Pilipinas Hymn

Hymn at pledge ng Bagong Pilipinas pang-Executive lang — SP Escudero

TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring ipilit sa senado, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *