Saturday , June 22 2024

Mga pelikulang kikita, sagot sa pagbangon ng industriya

ISASALI raw sa Cannes ang isang pelikulang ginawa nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Hindi na kami interesado kung ano man ang mangyayari sa pelikulang iyan sa Cannes. Ang iniisip namin, ano ang kababagsakan ng ganyang klase ng pelikula? Iyan bang mga pelikulang dinadala nila sa Cannes ay naihahanap nila ng distributor doon para maipalabas sa mga sinehan pagkatapos ng festival? Naibebenta ba nila kahit man lang sa mga cable distributor sa abroad?

Naitatanong namin iyan dahil nitong mga nakaraang taon, marami na tayong pelikulang naipadala riyan sa Cannes, pinuri naman daw ng mga kritiko ang mga pelikulang iyon, pero ewan kung bakit hindi masabing may mga film distributor na bumibili ng ating mga pelikula para maipalabas iyon sa kanilang bansa. Maliwanag kasi na iyong distributors ng pelikula, nakababad sa film market at naghahanap din ng mga pelikulang komersiyal para kumita ang kanilang sinehan, at hindi iyong nananalo ng awards.

Iyong distributors na tinatawag, mga tauhan ng sine iyan, at natural ang hinahanap nila ay pelikulang kikita. Iyong cable distributors, naghahanap din iyan ng mailalabas sa kanilang cable channels na magugustuhan ng kanilang audience.

Ano ang mangyayari kung ang isang pelikula natin ay mailalabas lang sa ilang sinehan ng ilang araw, tapos ipinalalabas sa Cinema One kung madaling araw din na wala na halos nanonood? Kami man eh, kung nakakikita kami ng mga nakababagot na pelikula, lumilipat na lang kami sa Discovery Channel o sa History Channel, may natututuhan pa kami.

Ang sinasabi namin, panahon na para magkaroon tayo ng mga realistic goal. Kailangan natin ang mga pelikulang kikita para mabuhay ang ating industriya. Kung ipipilit natin ang mga ganyang pelikula, huwag na kayong maghintay na makabangon pa tayo. Alam natin kung anong klaseng pelikula ang kumikita. Bakit hindi ganoon ang gawin natin?

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Diwata

Diwata walang kiyemeng kumain ng tsiken habang sumasagala 

MATABILni John Fontanilla HINDI na nga maitatago pa ang kasikatan ng social media viral pares …

Ogie Diaz Mama Loi Bea Alonzo

Ogie naghain ng counter-affidavit, Mama Loi perjury case vs Bea Alonzo

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang kanilang abogadong si Atty. Regie Tongol, humarap sina Ogie Diaz, …

Vilma Santos Carlo Aquino Charlie Dizon

Ate Vi bumawi sa mga inaanak na sina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente ISA ang tinaguriang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa …

Child Haus Ricky Reyes

TEAM Gift Giving & Feeding project sa Child Haus matagumpay Advocacy ni Ricky Reyes pagtulong  sa mga batang may cancer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang pag-welcome ni Mader Ricky Reyes sa mga kasapi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *