Wednesday , June 19 2024

Kilig ng AlDub, wala na

NAKU plastic,”  ang comment ng isa naming kaibigan, na undoubtedly ay isang AlDub fan, habang pinanonood namin iyong sitcom nina  Vic Sotto at Maine Mendoza noong isang gabi, na guest din si Alden Richards.

Ginawa naman nila lahat sa sitcom kung ano ang dating ginagawa nila roon sa kanilang kalye serye, pero kung noon tumitili iyong mga nanonood, ngayon nga ang narinig pa naming comment ay “plastic”. Pero sino ba ang plastic?

Iyang ginagawa nina Alden at Maine sa simula’t simula pa lang ay acting lang. Wala namang nagsabi na totoo ang kanilang ligawan, Kaya ibig sabihin sa simula pa lang “plastikan” na talaga iyan. Eh bakit ngayon lang nila sinasabing “plastic”?

Bibigyan namin kayo ng halimbawa, napakaraming pelikula nina Vilma Santos at  Christopher de Leon na kumita ng malaki, at nanalo pa ng awards. Hindi naman totoo ang kanilang relasyon. Alam naman ng lahat na ang asawa ni Ate Vi ay si Senador Ralph Recto. Alam din ng lahat na ang asawa ni Boyet ay si Sandy Andolong. Si Boyet ay nauna pang asawa ni Nora Aunor na nakakompitensiya noong araw sa popularidad ni Ate Vi. Bakit kung nagtatambal sina Boyet at Ate Vi walang nagsasabi ng “plastic”.

Kung sa bagay, napanood din namin ang sitcom habang nakikipag­kuwentuhan sa iba naming mga kaibigan. Mukhang wala na nga ang kilig. Parang natapos iyong sitcom ng ganoon na lang. Pagkatapos noon eh news, tapos nasundan ng isang pelikula na ang love team ay sina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Aba eh sa tingin namin mas may kilig pa iyong sina Richard at Angel kaysa roon sa AlDub ngayon.

Siguro nga tanggapin na natin, tapos na iyang AlDub. Nariyan pa rin naman si Alden. Sikat pa rin naman si Maine, pero iyong love team, wala na talaga.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Check Also

blind item woman

Madir ni sikat na singer namigay ng expired na chocolates 

I-FLEXni Jun Nardo PARTE na ng showbiz ang stage mothers and fathers. Medyo nababawasan na …

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Paolo Contis

Paolo walang bumati sa 3 mga anak noong Father’s Day

HATAWANni Ed de Leon ANG tanungan noong isang araw, binati kaya ng kanyang mga anak …

Onemig Bondoc

Onemig kung ‘di nagkamali ng diskarte baka sikat pa rin ngayon

MAYROONG isang mahilig na mag-post ng mga lumang artista sa social media at noong isang …

Kim Chiu Aileen Choi-Go Sisters Napkins

Kim deadma na sa past relationship, blessings dagsa

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAPAT na lang sigurong deadmahin ni Kim Chiu ang mga isyung may kinalaman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *