Saturday , April 27 2024

Eerie, nai-market nang tama sa international; idi-distribute pa sa US at Europe

AT saka na natin pag-usapan ang artistry ng pelikulang Eerie. Gusto ko munang talakayin ang kanilang kakaibang marketing strategy sa kanilang pelikula. Dahil ang pelikula ay horror, magagaling ang mga artistang sina Bea Alonzo at Charo Santos na pareho rin namang may malakas na following, at ginastusan naman talaga ang pagkakagawa ng pelikula, tiyak iyon may maaari na silang asahan sa takilya oras na iyan ay ilabas na sa mga sinehan.

Pero dahil malaki ang puhunan, mababawi lamang iyon kung mapapalawak ang market. Iyon naman ang kanilang ginawa. Sa tulong ng kanilang kasosyong kompanya, nagkaroon sila ng world premiere niyang Eerie sa Singapore. Nagkataong naroroon din ang mga malalaking foreign film distributors. Napanood nila ang pelikula, at ngayon nga ay kinuha na nila ang international distribution rights. Iyang Eerie, kasabay sa Pilipinas, ay ipalalabas din sa mga international commercial theatrical circuits. Hindi kagaya ng ibang pelikula na special screening lang at ang target ay ang mga Pinoy lang sa abroad. Iyang Eerie ay ilalabas sa mga sinehan na kagaya ng iba pang international films.

Sinasabing ngayon ay mayroon na ring negosasyon para mai-distribute ang pelikula sa US at sa Europe, sa mga commercial theatre circuits. Maliwanag na may kakayahan pala ang mga Pinoy na gumawa ng pelikulang pang-international talaga, matuto lamang tayo ng tamang marketing.

Iyong iba naman kasi nauuna ang kayabangan. Sali nang sali sa festivals abroad, akala ay mananalo sila ng award, hindi nila iniisip ang marketing ng kanilang pelikula. Eh palibhasa Star Cinema nga ang producer niyang Eerie, kasama pa ang Cre8 Productions ng Singapore, aba eh nai-market nang tama ang pelikula. Ngayon, nabuksan na nila ang international film market para sa mga pelikulang Filipino.

Pero tandaan ninyo, huwag naman mga hotoy-hotoy na artista ang kunin ninyo. Huwag din ang mga hotoy-hotoy na director. Nakahihiya iyan at hindi rin kayo mabebenta sa world market.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *