Sunday , November 28 2021
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

‘Alagang ubo’ tanggal sa Krystall herbal oil (Ilang taon nang pabalik-balik sa doktor)

Dear Sis Fely Guy Ong,

Una, nagpapasalamat po ako sa Diyos dahil binigyan kayo ng karunungan na magtukoy ng gamot mula sa kalikasan. Ito ang aking karanasan. Nagkaroon po ako ng ubo na ilang taon na, malagkit na laway at plema.

Nang makita ko sa gawain ang Krystall Herbal Oil at Nature Herb, sinubukan ko ito at ako nama’y gumaling. Nagtanong ako noon kung paano gamitin kasi na X-ray ako wala namang problema, clear naman po ang baga.

Pangalawa, ang tatlong apo ko po na nilalagnat ipina-check-up na sa doctor, ubo nang ubo. Ang ama kulang pa sa paniniwala sa Krystall Herbal kaya dinala sa doctor. Mag-iisang linggo na sa pag-inom ng gamot, nagsusuka na at ang lagnat lagpas na sa 40.

Mayroon pong Krystall Herbal Oil ang kapatid ko, halos kalahati sa isang bote na 30ml ibinuhos ko sa tiyan ng bata dahil naninigas ang kanyang tiyan. Hinaplosan ko nang matagal at lumabas ang pawis na malamig butil-butil pa sa buong katawan.

Kasi pag uminom sila ng gamot na reseta ng doctor, maya-maya ay nagsusuka at tataas ulit ang lagnat.

Ayan kasi, ayaw maniwala. Nang haplosin ng Krystall Herbal Oil at nakita nila ang resulta, ang mga bata ay gumaling, hindi na kailangan pang uminom ng resetang gamot.

Sabi ko, ako na ang nagdesisyon sa anak ninyo, pinapabayaan ko kayo sa mga desisyon ninyo pero lola naman ako. Kasi kapag sinabi ko na haplosin lang ng Krystall Herbal Oil magsasagutan lang kami, Sis Fely.

Pero alam po ninyo, kinabukasan, nautusan ko na po at pinapunta ko po sa main office ng FGO upang bumili ng Krystall Herbal Oil.

Muli, maraming salamat po at kayo ay instrumento ng Panginoon para magpagaling ng mga karamdamang hindi nalulutas ng mga dalubhasa.

Hangad po naming na kayo’y patuloy na pagpalain ng Panginoon upang marami pang matulungan.

God bless po.       

Sumasainyo,
Sis Billy A. Malaras

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

CINEMA 76

Cinema ‘76 Anonas ligtas at family friendly

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATUTUWANG unti-unti nang nagbubukas ang mga sinehan. Sa dalawang magkasunod …

CINEMA 76 Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings

Cinema ’76 perfect sa movie bonding ng pamilya

FACT SHEETni Reggee Bonoan ANG pelikulang Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings ang …

ABS-CBN iQiyi

ABS-CBN at IQIYI sanib-puwersa sa paggawa ng mga orihinal na seryeng pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio NAGSANIB-PUWERSA ANG  global streaming service na iQiyi at ABS-CBN sa paggawa ng apat na …

Jackeline Chua Jyotirmoy Saha PopTV

Unang in-transit streaming service sa mga bus, kasado na
POPTV MAGPO-PRODUCE NA NG SARILING SHOWS

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio NAGSIMULA na noong Linggo ang pinakabagong handog ng all-Pinoy streaming app ng POPTV, ang POPTV …

SM CITY GRAND CENTRAL

The Grand Opening of SM City Grand Central

In the thriving center of Caloocan City, a grand mall has found a new beginning. …

Leave a Reply