Tuesday , November 30 2021

Monching, malaya nang makakahanap ng makakasama sa buhay

TAHIMIK lang si Ramon Christopher sa balitang nagpakasal na ang dating asawang si Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese boyfriend ng ilang taon na rin. Matagal na rin namang hiwalay sina Lotlot at Monching dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan. Ang mga anak nila ay nanatili kay Lotlot, pero suportado naman sila ni Monching at ang maganda nga nanatili naman silang magkaibigan ni Lolot.

Pero ang ginawang pagpapakasal ni Lotlot ay napakalaking bagay din para kay Monching. Ibig sabihin, malayang-malaya na rin naman siyang humanap ng makakasama sa buhay at mag-asawa na ring muli. Legal naman ang annulment ng kanilang kasal.

Madalian kasi ang kasal nila noon. Ang totoo underage si Lolot to contract marriage, kaya nga sila tinanggihan ng simbahan sa Mt.Carmel. Itinuloy nila ang kasalan sa Club Filipino. Naging sibil iyon. Iyan ay makakapagmulat din ng mata ng mga kabataan na hindi maganda iyong biglaang kasal.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla Aljur Abrenica

Robin nalungkot balikan nina Kylie at Aljur imposible na

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MAY YouTube channel na rin pala si Kylie Padilla at kamakailan ang naging guest n’ya …

Janina Raval

Janina Raval tatapatan ang pagpapa-sexy ni AJ Raval

HARDTALKni Pilar Mateo ALAM niyang hindi naman siya nagkakamali sa pinanghahawakan niyang intensiyon sa pagsalang sa mundo ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Yeng Constantino Mother Victor Asuncion

Yeng namatayan ng ina, nagka-covid pa silang mag-asawa

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE ang pagsubok na dumaan sa buhay ng mag-asawang Yeng Constantino …

Isko Moreno Joven Tan

Yorme sa kumukuwestiyon sa kanyang kakayahan — Leadership is about who did good

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WALA ako rito kung wala ang showbiz.” Ito ang pagtanaw …

Leave a Reply