Wednesday , May 1 2024
Krystall herbal products

Kapatid umigi sa Krystall products

Dear Sis Fely,

Magandang buhay po, sumasainyo ang pagpapala ng Panginoong Yahweh El Shaddai sa ngalan ng bugtong niyang anak na si Jesus Kristo, at sa buo mong pamilya.

Ako po si Sis Petra E. Aradales, 52 years old, taga- San Pedro Laguna. Ang patotoo ko ay tungkol sa kapatid kong nakatira sa Batangas nang malaman ko po na ooperahan siya sa tai­nga.

Kasi po ay may bukol sa loob, tatlong doktor nap o ang tumingin sa kanya. Kaya nagpunta agad ako sa Batangas, Dinalahan ko siya ng Krystal Herbal Oil, Yellow Tablet at Nature Herbal Tea.

Hinilot ko ang tainga niya ng Krystal Herbal Oil pinainom ko ng Yellow Tablet 3x a day at Nature Herbal Tea 3x a day.

Noong ginawa ko iyon, ‘di na raw masakit at nakakatulog na siya. Pero tuloy pa daw ang opera sa kanya. Sabi ko sa kanya kapag naubos ang dala kong gamot bumili uli siya ng oil, yellow tab, nature herbs at dagdagan niya ng Fungus.

Itinuro ko ang “Luz Pharmacy” sa Lipa City kasi iyon ang narinig ko sa radyo. Kaya lang wala raw Fungus sa “Luz Pharmacy.”

Sis Fely ang maganda pa po para akong herbalist doon nang bumalik ako sa Batangas epektibo sa kanilang kapitbahay at kamag anak ko. Kaya itinuro ko uli sa kanila ang Luz Pharmacy doon sila bumili at nagbigay po ako ng flyers ng FGO doon kasi marami po ako kinuha noong nag-anniversary tayo.

Sis Fely marami pong salamat sa inyo at sa products ninyo, nawa in Jesus name, humaba pa ang buhay ninyo nang marami pa kayong matulungan. Marami pa po akong patotoo pero mahaba na po ito.

Maraming salamat uli.

Sincerely,
SIS PETRA
San Pedro
Laguna City

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

Mr DIY Holi-DIY Spend and Win raffle promo Winners

Mr.DIY awards grand prize winner of the Holi-DIY Spend and Win raffle promo

MR.DIY, the go-to destination for big and small home improvement Familyhan needs, in partnership with …

Dave Almarinez Ara Mina

Dave suportado showbiz career ng asawang si Ara; naglunsad ng bagong ride-hailing app

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SUPORTADO ni Dave Almarinez ang showbiz career ng kanyang asawang si Ara Mina. …

Globe Hapag Movement  Project PEARLS

Globe’s Hapag Movement reaches global audience with new international partner Project PEARLS 

Globe broadens the reach of the Hapag Movement, its advocacy to alleviate involuntary hunger, as it teams up …

Krystall Herbal Soaking Powder Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Makapal na bungang-araw ng kasambahay tanggal sa Krystall Soak Powder at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          ‘Ika nga, …

SM Foundation agri Feat

New knowledge, new tomorrow in agriculture
More than 90 farmers in Davao, Cebu complete SM Foundation’s modern agri-training

KSK graduates from Brgy. Nueva Fuerza, Tagum City The SM Foundation continues its mission of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *