Saturday , July 27 2024
Krystall herbal products

Bukol ng utol nalusaw sa Krystall

Dear Sis Fely,

Magandang buhay po, sumasainyo ang pagpapala ng Panginoon, Yahweh El Shaddai sa ngalan ng bugtong niyang anak na si Jesus Kristo, at sa buo mong pamilya.

Ako po si Sis Petra E. Aradales, 52 years old, taga- San Pedro, Laguna. Ang patotoo ko ay tungkol sa kapatid kong nakatira sa Batangas nang malaman ko po na ooperahan siya sa tainga.

Kasi po ay may bukol sa loob, tatlong doktor na po ang tumingin sa kanya. Kaya nagpunta agad ako sa Batangas. Dinalahan ko siya ng Krystal Herbal Oil, Yellow Tablet at Nature Herbal Tea.

Hinilot ko ang tainga niya ng Krystal Herbal Oil pinainom ko ng Yellow Tablet 3x a day at Nature Herbal Tea 3x a day.

Noong ginawa ko iyon, ‘di na raw masakit at nakakatulog na siya. Pero tuloy pa raw ang opera sa kanya. Sabi ko sa kanya, kapag naubos ang dala kong gamot bumili uli siya ng oil, yellow tab, nature herbs at dagdagan niya ng Fungus.

Itinuro ko ang “Luz Pharmacy” sa Lipa City kasi iyon ang narinig ko sa radyo. Kaya lang wala raw Fungus sa “Luz Pharmacy.”

Sis Fely, ang maganda pa po para akong her­balist doon nang bumalik ako sa Batangas epektibo sa kanilang kapitbahay at mga kamag-anak ko. Kaya itinuro ko uli sa kanila ang Luz Pharmacy doon sila bumili at nagbigay po ako ng flyers ng FGO doon kasi marami po akong kinuha noong nag-anniversary tayo.

Sis Fely marami pong salamat sa inyo at sa products ninyo, nawa, in Jesus name, humaba pa ang buhay ninyo nang marami pa kayong matulungan.

Marami pa po akong patotoo pero mahaba na po ito.

Maraming salamat uli.

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *