Tuesday , November 30 2021

Patotoo sa bisa ng Krystall Herbal Oil at iba pang Krystall herbal products

Dear Sis Fely,

Ako po si Erlinda V. Capitulo ng Muntinlupa City.

Isa po akong user ng Kystall Herbal Oil at Krystall Herbal Powder mula pa noong 1994, o mahigit dalawang dekada na po akong gumagamit ng Krystall Herbal Products.

Subok na subok na po namin ng aking pamilya ang bisa ng Krystall Herbal Oil at Krystall Herbal powder kaya sinisiguro namin na lagi kaming may stock nito.

Mula sa simpleng pagsakit ng ulo, sakit ng tiyan, sakit ng mga kasu-kasuan, pamamaga, kahit sa sugat, Krystall Herbal Oil ang una naming ginagamit upang maibsan ang pana­nakit.

Sa madaling paggaling ng sugat naman, pati sa madaling panunuyo ng mga problemang may kinalaman sa balat tulad ng bungang araw, sunburn at an-an, Krystall Herbal Powder naman ang aming kasagutan.

Sa sobrang bisa ng Krystall Herbal oil at pow­der, pati mga kamag-anak namin sa pro­binsiya tulad sa La Union at Tarlac ay nahuma­ling na rin sa paggamit ng mga nasabing pro­dukto.

Kaya tuwing uuwi kami sa mga nabanggit na probinsiya, lagi namin dinadalhan ang mga kamag-anak namin.

Salamat kay Sister Fely Guy Ong at mga staff ng FGO Herbal Foundation Inc., sa pag-introduce ng napakabisang produkto at more power.

ERLINDA V. CAPITULO
Krystall Herbal user since 1994

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Check Also

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Cebu Pacific Air Airbus A330neo Cebpac

Unang Airbus A330neo dumating na Cebu Pacific, ‘greenest airline’ sa Asya

DUMATING na ang kauna-unahaang Airbus A330neo (New Engine Option) ng Cebu Pacific, nitong Linggo, 28 …

Andrea Brillantes Rhea Tan Beautederm

Andrea Brillantes, thankful kay Rhea Tan sa pagiging Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters endorser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABIS ang kaligayahan ng teen actress na si Andrea Brillantes …

Andrea Brillantes Beautederm

Andrea honored na maging Beautederm endorser

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASABAY ding inilunsad ni Maja Salvador noong Huwebes si Andrea Brillantes bilang kapamilya ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja makababalik pa rin sa ABS-CBN (Ambassador na rin ng Beautederm)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILINAW ni Maja Salvador na makababalik pa rin siya sa ABS-CBN dahil in good terms siya sa mga boss ng …

Leave a Reply