Tuesday , November 29 2022
Movies Cinema

FDCP, milyon ang ‘natapon’ para sa mga indie film

MALIWANAG ang report ng Commission on Audit na ang Film Development Council of the Philippines ay nakapagpalabas ng P25-M  bilang suporta sa mga film festival at mga manggagawa ng mga pelikulang indie na hindi na maibalik dahil ang mga ginawang pelikula ay hindi tinangkilik ng audience, ibig sabihin talagang flop. Iyang report na iyan ng COA ay malamang na base pa sa mga gastusin ng FDCP noong nakaraang taon.

Pero sa kabila niyan, may festival na naman sila ngayong Agosto na ang palabas ay puro indie pa rin na tiyak namang hindi rin kikita. Wala pa pong indie, maski na iyong sa CineMalaya ng CCP, o iyong CinemaOne ng ABS-CBN, o iyong festival ng Quezon City, at iyan sa FDCP na kumita. Lahat po iyan ay flop talaga.

Nakapanlulumo lamang na marinig na alam na pala nilang ganyan, milyon na ang natatapon sa pondo ng gobyerno, ayaw pa nilang tigilan, habang ang mga mamamayan ay nakukuba na sa pagbabayad ng mataas na taxes at pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at bayarin dahil diyan sa TRAIN law. Humahanap ang gobyerno kung paano magkakaroon ng pera para sa mga proyekto, iyon pala itinatapon lang diyan sa mga pelikulang indie?

Iyan bang FDCP ay talagang siyang nagbibigay ng “pantawid kabuhayan” para gumawa ng mga pelikulang hindi naman kumikita? Mag-isip naman tayo. Gusto nating buhayin ang industriya ng pelikula, pero napatutunayan na natin na ang industriyang ito ay hindi mabubuhay kung gagawa lang tayo ng mga pelikulang indie na ayaw namang panoorin ng mga tao.

Kaya nga industriya eh. Negosyo ang ibig sabihin. Kailangang kumita. Kung walang gagawin kundi magpalugi, matatawag bang industriya iyan? Kailan ba naman tayo magigising sa katotohanan na walang kinabukasan iyang mga indie na iyan. Kawawa ang mga sinehan na nagpapalabas niyan. Tapos pipilitin pa ninyong ipalabas nila nationwide ng sabay-sabay ang mga pelikula ninyong hindi naman kikita.

Tapos ano, pera ng gobyerno ang napaparada?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Blind Item Corner

Male star naudlot makuha ang grandslam

ni Ed de Leon HINDI lang naman sa panahong ito may mga artistang nananalo ng …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Legal team ni Vhong naging kompiyansa

HATAWANni Ed de Leon NGAYON ay lumalabas na affected pala at nag-aalala ang hindi lang …

Leave a Reply