Wednesday , October 5 2022

Darna, na-pre-empt dahil sa Wander Bra

SINADYA pa namin sa Maragondon, Cavite ang buong cast ng pelikulang Wander Bra ng Blue Rocks Productions sa direksiyon ni Joven Tan para makahuntahan ang mga bida ritong sina Gina Pareno, Cacai Bautista, Ahron Villena, Bryan Gazmen, Lazy, Wacky Kiray, Zeus Collins, at Myrtle Sarrosa.

“Lumilipad po ako rito sa movie. ‘Yung top ko is only bra pero ‘yung pambaba ko ay mayroon namang short skirt at may leggings,” bungad na tsika sa amin ng kilalang Cosplayer na si Myrtle, ang gumaganap na Wander Bra.

“Dream role kopo talaga ito kaya when Direk Joven Tan offered it to me, ang saya ko dahil first major movie ko ito and very thankful kay Direk Joven and sa Blue Rocks Productions for choosing me!” ani Myrtle.

Si Myrtle ang lumalabas sa magic kapag isinusuot na ni Cacai Bautista ang mahiwagang bra!

“Yes po! May power ang bra and everytime na isinusuot ito ni Ate Cacai, ako ‘yung nagiging anyo niya and nakatutuwa talaga ang movie,”  kuwento pa ni Myrtle.

Ano naman ang ginagampanang role nina Bryan at Zeus  sa pelikula at ano naman ang magiging papel ng dalawa sa kanyang buhay?

“Bale si Zeus po ay siyang magiging love of my life ni Barbara (Cacai ) sa movie kasi ako talaga si Wander Bra. Magiging inspiration siya ni Barbara at si Bryan naman po ay best friend naman ni Zeus,” anang dalaga.

Pre-empted na ang pelikulang Darna ni Liza Soberano dahil sa pelikulang Wander Bra?

“Aw! Hahahahaha! Hindi naman po siguro because it has a different story naman. Comedy-fantasy naman po ang ‘Wander Bra’ and malayong-malayo naman po ang costume ko as Wander Bra sa ‘Darna’,”  depensa ni Myrtle.

Anong lesson naman ang makukuha ng moviegoers sa Wander Bra?

“Lesson? ‘Yung tanggapin mo kung ano ka. Tanggapin mo ‘yung ikaw at tanggalin mo ang insecurities mo sa buhay. ‘Yung maging masaya ka for who you are!” ” tsika pa ni Myrtle.

Samantala, years ago noong ma-heartbroken si Myrtle. At sa aming panayam ay deretsahan nitong inaming wala siyang boyfriend ngayon.

“’Am dating someone now and that’s very normal. But to tell you po, ‘am not in a hurry na dapat ganito at ganoon. No. Dating someone lang na sana ay may mag-workout. Marami po akong priorities ngayon sa buhay especially sa career ko, maraming projects and commitments, so happy na po ako. ‘Am not saying na nagka-trauma ako or whatever, basta, happy na ako ngayon sa ganito,” depensa pa nitong muli sa amin.

Ano naman ang kanyang reaksiyon sa usaping sa panahon ngayon ay hindi na isyu ang live-in partners kung tawagin?

“I don’t like the idea. Hindi po ako favor sa live-in!Kahit ano pa man po ‘yan, kailangang-kailangan pa rin po natin ang consent ng ating mga magulang in everything. Mas alam po ng ating parents ang makabubuti sa atin bilang mga anak,” pagtatapos ni Myrtle sa aming panayam.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

About Dominic Rea

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply