Thursday , June 4 2026

Fun run ni Ara, alay para sa mga batang may down syndrome

IYONG mga artista, usually basta may ginagawang teleserye, wala nang ibang magawa ang mga iyan dahil alam naman natin ang trabaho sa serye bukod sa puyatan iyan, nakapapagod talaga. Ngayon nararanasan na naman iyan ni Ara Mina dahil ginagawa nga niya iyong seryeng Araw  Gabi. Talagang matindi rin naman ang trabaho niya sa set.

Ganoon pa man, naisisingit pa rin ni Ara sa kanyang schedule ang ilang proyektong makatutulong sa kanyang kapwa. Kagaya ngayon, may ino-organize siyang isang fun run na ang makikinabang ay iyong mga batang may down syndrome. Kahit naman noon, alam nating dahil sa mga personal reasons. Alam niya kasi kung gaano kahirap ang buhay para sa isang may down syndrome, at kung gaano rin kahirap ang mag-alaga sa mga batang may ganoong sakit. May kapatid kasi siyang may down syndrome rin.

Kung iisipin mo, para kay Ara ay hindi nga masyadong problema iyon, maganda naman ang kabuhayan niya at malakas ang kita niya. Kung ano man siguro ang kailangan ng kapatid niya ay kaya niyang ibigay, pero ang sinasabi nga niya, paano iyong walang kakayahan? Mapapabayaan na lang ba sila? Alam din naman niya na kung ano man ang maaabot ng kanyang inaayos na fun run at hindi rin naman makakasapat pero ang gusto niya, makapagbigay inspirasyon sa iba na maaaring gumawa rin ng proyekto para sa mga batang may down syndrome.

Nakatutuwa naman at may mga taong kagaya ni Ara, na nag-iisip ng ikabubuti ng kanyang kapwa. Sa takbo ng panahon ngayon, maraming mga tao ang walang pakialam. Basta sila ay maganda ang buhay at walang problema, wala na silang pakialam sa iba. Pero ito ngang si Ara, dahil alam niya kung ano ang narararamdaman ng mga taong nag-aalaga sa isang may down syndrome, may ginagawa siya para matulungan sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …