Friday , December 9 2022

Natipalok na paa pinagaling ng Krystall Herbal oil

Dear Madam Fely Guy Ong,

Matagal ko nang subok ang Krystall Herbal Oil ninyo.

Katunayan lagi ko nga itong ipinangreregalo sa ilang kaibigan lalo na ‘yung mga nangangailangan.

Sa aking pamilya, madalas na ginagamit namin ito sa mga baby. Pambanyos bago maligo, bago matulog sa gabi at tuwing may nararamdaman sa alinmang bahagi ng katawan.

Kapag sumasakit ang tiyak at hindi makapaglabas ng masamang hangin, lalagyan lang ng langis ang bulak tapos lalagyan ng isang piraso ng asin saka ilalagay sa pusod, maya-maya lang mauutot na at mawawala na ang sakit ng tiyan.

Pero nitong October 30, natipalok ako dahil sa alanganing steps sa hagdan ng aming city hall.

Hindi ko pinansin noong una pero noong gabi na, nakita ko ang pamamaga at matinding kirot.

Agad kong hinaplos ng Krystall Herbal oil at pagkatapos ay binalot ng bondage. Ginagawa ko ito gabi-gabi o pagkatapos kong magbanyo. Ingat na ingat akong huwag mabasa ang natipalok na paa.

Sa ikatlong araw, napuna ko ang pag-impis ng maga pero may kirot pa. Noong ikalimang araw, hinilot ng isang kaibigan kong eksperto sa tapilok. Kinabukasan tuluyan nang nawala ang pamamaga.

Kahit kailan ay hindi mawawala ang bilib ko sa Krystall Herbal oil at sa iba pang produkto ng FGO Foundation.
Thank you so much, Madam Fely.

Sumasainyo,
Gloria Orozco

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

About Fely Guy Ong

Check Also

Krystall Herbal Oil

BPO employee ‘nakagawa’ ng tulog at na-relax dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Isang magandang …

Krystall Herbal Oil, Fely Guy Ong, FGO

Tanggal sa Krystall Herbal Oil
67-ANYOS MANIKURISTA TUHOD ‘DI MABALUKTOT HIRAP MAGLAKAD, PAA’Y LAGING NAMAMANHID

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Pamimigat at pangangapal ng mga kamay at mga daliri tanggal sa Krystall Herbal Oil at Krystall Vitamins B1B6

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Problema ko …

My Ninong, My Ninang Christmas Promo ng PalawanPay Palawan Pawnshop

“My Ninong, My Ninang”  Christmas Promo ng PalawanPay

MABUTING balita mga suki! Mas pinagaan at mas pinabilis ng Palawan Pawnshop Group ang transaksiyon …

SM, BDO treat families of OFWs through Pamaskong Handog 2022 Feat

BDO at SM Supermalls, may pamaskong handog para sa mga OFW

Nagbabalik ang Pamaskong Handog events ng SM Supermalls at BDO upang maghatid ng saya at …

Leave a Reply