Thursday , February 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Acosta, mas kailangan ng Korte Suprema

SIGURO masasabi ngang simula nang magkaroon ng Public Attorneys Office sa Pilipinas, ang naging hepe niyan na pinakamalapit sa entertainment writers ay si Atty. Persida Acosta. Palagay namin kaya naman nagsimula ang ganyan ay dahil nakasalamuha niya ang entertainment press noong siya ay magkaroon ng TV show sa TV5, iyong Face to Face. Sa totoo lang, iyong kanilang show na iyon ang nagkaroon ng pinakamalakas na following sa lahat ng shows ng Kapatid Network simula noon hanggang ngayon. Wala na ang show, pero malapit pa rin sa entertainment press si Atty. Acosta dahil lahat naging kaibigan na niya.

Masarap kausap si Atty. Acosta dahil maririnig mo ang kanyang mga opinyong legal, na masasabi mo ngang bukod sa practical at liberal, makatuwiran pa. Makikita mo naman, nilabanan niya iyang laglag bala sa airport hanggang sa nawala na.

Natanong nga rin namin siya tungkol sa pinakamainit na issue ngayon, iyong paglilibing kay dating Pangulong Marcos at sinabi niya na tama ang posisyon ng Korte Suprema na nang mangyari ang paglilibing walang sagabal na legal, dahil iyong motion for reconsideration naman ng mga protester, inilahad niya noong mailibing na ang dating presidente. Sabi rin niya, mukhang hindi maganda iyong panukala na ginagawa ng ibang oposisyon kagaya ni Kiko Pangilinan na hukayin pa iyong bangkay. Sa opinion niya, hindi na gawaing Kristiyano iyon. Kaya sabi nga niya dapat pabayaan na para makakawala na rin tayo sa isang sumpa.

Kung kami ang tatanungin, bagamat sinabi niyang ayaw iwanan ang PAO, parang mas kailangan nga siya sa Korte Suprema. Kailangan natin ng mga mahistradong may mas makabagong pag-iisip, at may damdamin para sa mga mahihirap at naaapi. At saka sa panahon lang ni Atty. Acosta sa PAO nagkaroon ng kasunduan na kung mayroong peryodista na magkakaroon ng kaso, anumang oras ay nakahanda ang mga abogado ng PAO kung sila ay kakailanganin. Kaya lang, mukha ngang mas kailangan siya sa Korte Suprema.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

2026 Blue Falcon Awardees V Mapa HS Grand Alumni Homecoming

2026 Blue Falcon Awardees pararangalan sa 2026 V. Mapa HS Grand Alumni Homecoming 

MATABILni John Fontanilla ISA ang inyong lingkod sa bibigyang parangal sa gaganaping 2026 Victorino Mapa High …

Nadine Lustre Christophe Bariou Daniel Mac

Nadine at Christophe trending interview ni Daniel Mac

MATABILni John Fontanilla PINAG-USAPAN sa social media ang latest vlog ng American content creator na …

Heart Evangelista APAC Top Key Voices

Heart kayang makipagsabayan malalaking pangalan sa luxury fashion industry

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY ang pamamayagpag ni Heart Evangelista sa global fashion stage. Muling pinatunayan ng Global …

MTRCB Lala Sotto

Panunumpa sa tungkulin ng dalawang bagong Board Member, pinangunahan ni MTRCB Chair Lala Sotto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Bianca Umali

Bianca tsinugi bibida sa bagong serye

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING pasabog para sa mga tagasubaybay ng Sang’gre ang mga latest ganap sa …