Monday , September 25 2023

3 drug users todas sa boga ng maskarado

BINAWIAN ng buhay ang tatlong hinihinang drug users habang nakatakbo ang isang lalaki nang pasukin ng isang maskarado at pinagbabaril sa loob ng isang bahay sa Marikina City.

Sa ulat ng Marikina PNP, kinilala ang mga biktimang sina Jesus Martin, 60; Danilo Sercula, 46, at Rodel Aguilar, 41, habang nakatakbo si Wilfredo Martin makaraan paluin ng puluhan ng baril sa ulo.

Ayon sa pulisya, dakong 11:00 pm kamakalawa, pinasok nang nag-iisang suspek ang bahay ni Jesus sa Daang Bakal St., Brgy. Sto. Nino at isa-isang binaril ang mga biktima.

Ayon sa salaysay ni Wilfredo, kasalukuyang nagpa-pot session ang mga biktima sa bahay ng tiyuhin niyang si Jesus nang umatake ang nasabing maskarado.

( ED MORENO )

About Ed Moreno

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *