Sunday , April 21 2024

Daniel at James, dahilan ng pagsikat nina Kathryn at Nadine

NAPUNA lang namin, mas maraming magagandang comments sa ipinakitang acting ng actor na si Daniel Padilla sa kanilang huling pelikula kaysa ka-love team na si Kathryn Bernardo. May mga nagsasabi pang sa love team nila, si Daniel ang talagang nagdadala.

Ganoon din naman ang sinasabi nila sa JaDine, na tangay lang ng popularidad ni James Reid ang ka-love team na si Nadine Lustre.

Baliktad naman sa AlDub na sinasabing matagal nang artista si Alden Richards pero hindi napansin hanggang sa dumating si Maine Mendoza. Pero wala namang makapagsasabing sisikat din ng ganyan si Maine kung wala si Alden.

Kanya-kanyang grupo pa rin kasi iyan ng fans kahit na sila ay magka-love team. Bagamat masasabi ngang karamihan ay fans ng love team, hindi maitatanggi na may kanya-kanya pa rin silang fans na walang pakialam kung sino man ang itambal sa kanilang idolo. Eventually ang  fans na iyan ang mas kailangan ng mga artista dahil hindi naman puwedeng manatili ang isang love team habang panahon. Pagsasawaan din naman iyan ng mga tao kung sila na lang ng sila.

Roon naman natin malalaman kung sino talaga ang mas sikat at mas matibay.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *