Thursday , December 1 2022

Pagdagdag ng character sa serye, ‘di solusyon sa pagtaas ng ratings

MABILIS naman palang nag-apologize iyong TV writer na nagsabing walang nagbabasa ng mga tabloid. Nagpaliwanag din siya na hindi naman niya nilalahat, at iyon ay patungkol lamang sa isang writer na nilait naman kasi ang kanyang pagkatao. Siguro nga hindi naman niya intention na awayin ang lahat, mali nga lang ang pagkakasabi niya.

Anyway, nabanggit na lang din iyan, gusto naming banggitin na sa kanilang serye, isinama na nila si Alden Richards bilang isang bagong character. Wala naman silang sinabing may plano rin silang gumawa ng sequel niyong Mulawin, pero walang dudang ang pagkakasama ni Alden sa serye ay para mas makabatak pa sila ng mas maraming audience, at mas mataas na ratings.

Malaking sugal iyan para kay Alden. Paano kung hindi rin niya mabatak ang ratings ng serye? Sasabihin na naman ng iba “mahina na pala si Alden”. At ano ang gagawin nila kung mangyari ang ganoon? Gagawin naman nilang isang sangre si Maine Mendoza?

Palagay namin, hindi iyang pagdaragdag ng characters ang solusyon sa problema nila. May iba pa silang magagawa. Pero hindi na namin sasabihin kung ano, kasi hindi naman pala sila nagbabasa ng tabloid eh, sayang lang kung sasabihin pa namin.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Leave a Reply