Wednesday , December 7 2022

Ang Babaeng Humayo, umani ng papuri sa Toronto Filmfest; local screenings sa bansa, ikinakasa na

MATAPOS gumawa ng kasaysayan sa Philippine cinema sa pagkapanalo sa prestihiyosong Golden Lion for Best Film sa katatapos lang na Venice Film Festival, muling gumawa ng ingay mula sa film critics ang pelikulang Ang Babaeng Humayo sa North American premiere nito sa Toronto International Film Festival (TIFF).

Sa review na isinulat ni Lorenzo Esposito ng Cinema Scope, sinabi niya na, “If there’s someone who thinks that ‘The Woman Who Left’ is a minor Lav Diaz film—because it’s the second one this year, or because, at 227 minutes, it’s “short” for him—let’s say up front that this is one of his best.”

Samantala, binigyan naman ni Ben Nicholson ng Cine Vue ng four out of five stars ang pelikulang prinoduce ng Cinema One Originals at Sine Olivia at inilarawan pa ang pagganap ng lead star na si Charo Santos bilang “incredible” at “magnetic.”

Sa isang interview sa kanyang pagdating sa Toronto, ipinahayag ni Charo kung gaano siya kasaya para kay Lav Diza at sa Golden Lion award.

“Nakaka-proud, nakatutuwa and I am very happy for Lav Diaz. He really deserves this. Noong nag-usap kami noong Marso sabi namin gagawa lang kami ng pelikula. We will just going to have fun. But this is more than just having fun. This is a great adventure and really a most unforgettable moment,” sabi ni Charo.

Nag-uumapaw din sa saya ang Cinema One head at isa sa producers ng pelikula sa hindi inaasahang panalo.

“Napakasaya namin na nanalo tayo ng Golden Lion. Achievement na ‘yun pa lang. Hindi namin inaasahan na ang isang maliit na pelikula ay mananalo ng ganito kalaking award,” sabi ni Ronald Arguelles.

Kasama si Ronald sa kumatawan sa pelikula sa Venice Film Festival na inilarawan niya ang internationally-acclaimed na director bilang isang film ‘rock star.’

Tampok sa Ang Babaeng Humayo, na may international title na The Woman Who Left, ay kuwento ni Horacia (Charo Santos), isang babaeng naghahanap ng paghihiganti matapos siyang makulong ng mahabang panahon para sa isang krimeng hindi niya ginawa.

Minarkahan din nito ang pagbabalik pelikula ni former ABS-CBN president at ngayon chief content officer na si Charo at ipinroduce para sana buksan ang Cinema One Originals independent film competition para sa taong ito.

Umaasa si Ronald na makatutulong ang Golden Lion award para makalikha pa ng mga dekalibreng pelikula ang Cinema One.

“Mayroon tayong worldwide distributor ng ating mga pelikula, ang Films Botique. Tiyak makatutulong ang karangalang dala ng Golden Lion para mas maibenta nila ang ating mga titulo para maka-produce pa tayo ng mga ganitong films. Makaktutulong din ito para maka-partner natin ang malalaking filmmakers para gumawa ng proyekto,” pagbabahagi ni Ronald.

Kinompirma rin ni Ronald na ipalalabas ang ‘Ang Babaeng Humayo’ sa mga sinehan sa bansa at iaanunsiyo na lamang nila kung kailan ang final playdates.

Bukod sa cinematic masterpiece ni Lav at pagbabalik-pelikula ni Charo, isa ring dapat abangan ng manonood ang mapanghamong pagganap ni John Lloyd Cruz bilang trans prostitute na si Hollanda.

Sa isang panayam sa TV Patrol, inilarawan ni John Lloyd ang kanyang karakter.

“Nagbibihis babae siya. Pero ‘di siya operada. Si Hollanda ay binago ng character ni ma’am Charo sa story.”

Binalikan niya rin ang kanyang Venice Film fest experience at ibinahagi ang emosyonal na sandali.

“I was trying my best na hindi pumatak ang luha. Pero I can’t help but be really emotional. For me it’s a defining moment for PH cinema. Nilapitan din kami ng jury after party at sinabi how the film affected them.”

About Ed de Leon

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply