Sunday , May 19 2024

Social fund para sa matatandang artista, igigiit ni Robin

HINDI nagsasalita si Robin Padilla tungkol sa mga appointment ng mga artista sa mga posisyon sa gobyerno. Hindi rin niya binabanggit ang sinasabing pending niyang absolute presidential pardon. Akala naming, noon pa ayos na ang kalagayan niya, hindi pa pala.

Iyon palang ibinigay sa kanya noon ni Presidente Fidel Ramos ay conditional pardon lamang, parang parole. Natapos na ang prescribed period niyon, noon pang 2003 at noon pa ay maaari na siyang humingi ng absolute pardon, pero hindi niya ginawa. Ayaw din kasi ni Robin na masabing ginagamit niya ang kanyang personalidad para makakuha ng advantage para sa kanyang sarili.

Nakulong siya dahil sa kaso ng illegal possession of firearms noon. Iyon namang mga baril na iyon ay hindi ginagamit sa pakikipag-away. Ginagamit niya iyon bilang props sa kanyang mga pelikula. Gayunman, tulad ng mga nahuhuli sa tanim bala, kahit na wala siyang balak na manggulo, bawal ang pagdadala ng ganoong armas. Nakulong si Robin ng tatlong taon. Hindi siya humingi ng tulong sa noon ay Presidente Ramos na alam naman ng lahat na ipinagkampanya niya nang todo.

Ngayon ayaw din niya, dahil ikinampanya niya si Presidente Rodrigo Duterte. Sa  halip na iyon, ang inilalaban ni Robin sa ngayon ay iyon namang mapansin ng mga namumuno sa gobyerno ng napakataas na tax na isinasampal sa mga artista at industriya ng pelikula. Pero wala nga namang nakukuhang kapalit ang industriya, maliban sa kaunting kinikita sa film festival, dahil ang dami nang naghahati sa kita niyon. Nakikihati pa ang Optical Media Board at maging ang social fund ng Office of the President.

Hindi naman sinasabi ni Robin na bawasan ang tax ng mga artista. Ang hinahanap niya, sana naman magkaroon ng kahit na anong social fund para sa mga artista, lalo na iyong mga matatanda na at mga maysakit. Tama ang sinasabi ni Robin, ”kawawa naman ang mga artista.”

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *