Thursday , June 13 2024

Karaniwang show ng JaDine, pinapasok kahit mahal ang ticket

PINAG-UUSAPAN nga namin sa isang umpukan noong isang gabi, matindi ang inaabot talaga niyang JaDine. Hindi lamang dahil kumita ang kanilang pelikula, pero iyong mga concert na ginawa nila lalo na sa abroad ay napakalakas talaga. Napupuno nila ng tao ang malalaking venue, kahit na mahal ang tickets.

May nagsabi nga sa amin, mas mahal pa raw ang tickets sa concert niyong JaDine kaysa concert ng isang sikat na female star na Pinoy, ganoong iyong sa female star ay concert talaga, samantalang iyong sa JaDine, parang karaniwang show lamang.

Hanggang ngayon din, malakas ang benta ng kanilang libro at iyon ay nabibili sa isang respetadong bookstore chain, hindi kagaya ng iba na nakasabit kahit na sa mga used book shops.

Ang matindi pa, ngayon napapansin na rin sila kahit na sa mga international magazines. Hindi pa nangyari iyan noong araw. Marami na rin namang sumikat na Pinoy, pero hindi nga napansin sa abroad. Ngayon, ilo-launch pa sila sa Everyday Wear collection ng Bench. Matindi na iyan.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Alden Richards Miss Universe MUPH

Alden ‘di raw pwedeng maging voice talent ng Waze

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami sa isang video sa social media. Hindi raw dapat …

Richard Gomez Lucy Torres

Richard nawala nga ba kagwapuhan at ningning nang pumasok sa politika?

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin ng comment ng dating kasamahang si Ronald Carballo na …

The EDDYS

7th EDDYS sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV sa July 14

MAS maningning at kaabang-abang ang The 7th EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *