Saturday , July 27 2024

Sandro, tatapusin muna ang masters’ degree bago mag-artista o mag-politiko

MARAMI ang nagsasabing dapat nga raw, mag-artista na si Sandro Marcos, ang poging anak ni Senador Bongbong Marcos. Kung sa bagay lahat naman ng mga anak niya pogi at puwedeng maging artista, pero ang mga taga-showbiz medyo mainit kay Sandro at talagang kinukumbinsi siyang pumasok sa pelikula.

Hindi naman malayo iyon, kasi si Senador Bongbong ay naging artista rin noong araw. Siya ang gumanap na Bongbong din doon sa pelikulang Pinagbuklod ng Langit ng Sampaguita Pictures. Iyon ay pelikula sa buhay ng kanyang mga magulang.

Nagbibiro nga si Senador Bongbong, na dahil wala naman daw siyang masyadong pagkaka-abalahan ngayon, baka siya na ang maging manager ni Sandro.

Panay naman ang iling ni Sandro dahil sinasabi niyang gusto muna niyang matapos ang kanyang masters’ degree bago ang kahit na anong papasukan niya, showbiz man o politika.

Pero iyong members ng entertainment press na naroroon, walang tigil sa pagsasabi kay Sandro na mag-showbiz na muna siya, after all napatunayan naman na it is the easiest way para makapasok ka rin sa politika later on.

Hoy, pero mas malaki ang kita ng artista kaysa isang politiko.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *