Wednesday , June 19 2024

Ignacio de Loyola, milyong dolyar ang puhunan

ITONG linggong ito ay ipalalabas na raw sa mga sinehan iyong pelikulang Ignacio de Loyola. Buhay iyan ng santong si San Ignacio na siyang nagtatag din ng samahan ng mga paring Heswita. Ang nakatutuwa, ang producers niyan ay ang mga paring Heswita mula sa Pilipinas. Iyan ay itinuturing na isang pelikulang Filipino, dahil mga Filipino ang gumawa kahit na nga Ingles ang ginamit na salita sa pelikula. Kailangan namang Ingles dahil iyan ay ipalalabas sa iba’t ibang bahagi ng mundo na mayroong Jesuit community. Iyan din ang kauna-unahang pelikulang Filipino na nailabas na sa Batikano.

Hindi iyan isang indie film. Iyan ay isang ambisyosong pelikula dahil milyong dolyar din ang naging puhunan para ang pelikula ay magawa. Actually nagtulungan din ang ibang mga Jesuit communities maski na sa abroad at ang mga deboto ni San Ignacio, para magawa ang pelikulang iyan. Nag-shooting sila sa Spain, at ang bida nila sa pelikula ay ang kastilang actor na si Andreas Munoz.

May isang kaibigan kaming pari na nagsabi sa aming maganda ang pagkakagawa ng pelikula, kaya nga gusto rin naming panoorin iyan kung magsisimula na ang theatrical exhibition sa linggong ito. At magbabayad kami, lalo na nga’t alam namin kung gaano kalaki ang puhunan sa pelikula.

Tiniyak sa kanila ng isang theater chain na ilalabas sila sa lahat ng kanilang sinehan, pero hindi rin namin inaasahang tatagal ang pelikula sa mga sinehan. Ang mga Filipino ay hindi pa masyadong nahihilig sa mga pelikulang relihiyoso. Iba kung nakagugulat ang pelikula gaya niyong Ten Commandments  na nagpakita kung paano nahati ang dagat, kahit na nga hindi pa maganda ang opticals noon dahil wala pa namang computers at ang ginamit ay “glass shot” lamang, at least noong panahong iyon iba iyon.

Iyang Ignacio de Loyola ay simpleng paglalarawan lamang ng buhay ni San Ignacio, at dito sa ating bansa, hindi rin naman ganoon karami ang deboto ng santong iyan, pero inaasahan nila manonood na lahat ang mga estudyante at mga naging estudyante ng Ateneo. Maganda lang kung mapanood agad iyan dahil ang paniwala namin hindi tatagal talaga sa mga sinehan.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

blind item woman

Madir ni sikat na singer namigay ng expired na chocolates 

I-FLEXni Jun Nardo PARTE na ng showbiz ang stage mothers and fathers. Medyo nababawasan na …

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Paolo Contis

Paolo walang bumati sa 3 mga anak noong Father’s Day

HATAWANni Ed de Leon ANG tanungan noong isang araw, binati kaya ng kanyang mga anak …

Onemig Bondoc

Onemig kung ‘di nagkamali ng diskarte baka sikat pa rin ngayon

MAYROONG isang mahilig na mag-post ng mga lumang artista sa social media at noong isang …

Kim Chiu Aileen Choi-Go Sisters Napkins

Kim deadma na sa past relationship, blessings dagsa

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAPAT na lang sigurong deadmahin ni Kim Chiu ang mga isyung may kinalaman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *