Tuesday , June 25 2024

Visayan indie film, ‘di totoong ginaya ng The Greatest Love

ANG alinmang magandang proyekto ay hindi nawawalan ng sariling controversy. Kasi basta malaking project iyan, marami ang makakapansin at marami ang mapupuna. Kagaya ngayon, matindi ang naging dating niyong trailer ng bagong serye ni Sylvia Sanchez, iyong The Greatest Love. Talagang nakatatawag ng pansin, lalo na iyong eksena na nasa dining table sila tapos nag-away-away ang kanyang mga anak. Marami ang naantig ang damdamin sa eksenang iyon.

Iyon din naman ang pinagmulan ng controversy. May nagsabi kasi na ang eksena raw ay ginaya sa isang Visayan indie film.

Napanood namin iyong trailer ng dalawa. Oo, pareho ngang sa dining table ang eksena, pero magkaiba naman ng sitwasyon. Hindi mo masasabing ginaya dahil hindi rin naman masasabing iyon lang Visayan film na iyon ang may eksena sa dining table. Karaniwan iyong mga ganoong setting, pero ang laki naman ng kaibahan ng pinagtatalunan doon sa serye ni Sylvia kaysa roon sa Visayan film na ang pinagtatalunan ay pera.

Anyway, hindi naman sa trailer nakasalalay iyan. Nasa kabuuan iyan ng proyekto. At natutuwa kami sa project na iyan ni Sylvia, dahil finally ginawa na rin siyang bida sa isang serye na matagal nang dapat na nangyari. Nakadalawang best actress na siya. Naka-anim na best supporting actress na rin. Wala nang kuwestiyon sa kakayahan ni Sylvia bilang isang aktres. Nakahihinayang nga lang at inabot ng ganoon katagal bago nila naisip na kaya na nga pala niyang maging bida at magdala ng isang serye.

Nakahihinayang na mayroon tayong mga magagaling na aktres na hindi nabibigyan ng sapat na pagkakataon. Isipin ninyo iyang mga producer, at ito ay sasabihin namin dahil may personal knowledge kami sa katotohanang ito. Ilang scripts nga ba para sa mga malalaking dramatic films ang nakatambak at naghihintay sa panahon ni Congresswoman Vilma Santos? Nakita naming lahat iyon doon sa office niya sa Batangas noon, Hindi naman niya magawa dahil busy siya. Pero iyong mga producer, naghihintay na baka sakaling magkaroon siya ng panahon at gawin niya iyon.

Pero may iba pang magagaling na aktres, isa nga si Sylvia na kaya namang gawin iyan, pero ayaw nilang sugalan. Ngayon basta nag-rate iyang serye ni Sylvia, tiyak mapapansin din siya at maaaring sa susunod bida na rin siya sa isang malaking pelikula.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula …

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *