Saturday , July 27 2024

Bistek, ‘di na maharap ang paggawa ng pelikula

SAYANG, hindi nakarating si Mayor Herbert Bautista roon sa ipinatawag niyang gathering ng entertainment media noong isang araw. Kahit na ang intention ay isa talaga iyong media get together, gusto rin sanang samantalahin iyon ng iba para matanong naman si Mayor Bistek kung talaga nga bang mabibigyan pa niya ng panahon ang kanyang movie career.

Marami nga ang nagsasabi, sa ngayon wala nang gumagawa ng kanilang brand of comedy noong araw. Iyong mga comedy ngayon, bastusan ang ginagawa eh. Wala na iyong linya niyong classic comedy, kasi sa ganoon ang mga sitwasyon at eksena ay talagang pinag-iisipan. Eh ngayon iyong mga comedian, mambastos lang ok na eh. Hindi nila iniisip na magpatawa, ang iniisip nila ay kung sino ang gagawin nilang katatawanan.

Pero masyado nga kasing busy si Mayor ngayon, kaya nga hindi na niya maharap nang husto ang paggawa ng pelikula. Sayang naman.

HATAWAN – Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *