Thursday , June 4 2026
road traffic accident

2 patay, mayor, 1 pa kritikal sa Strada vs shuttle bus (Driver ng Hanjin lasing)

SUBIC, ZAMBALES – Dalawa katao ang patay, kabilang ang opisyal ng electric cooperative, habang kritikal ang mayor ng isang bayan sa Zambales, at isa pang biktima makaraan sumalpok ang sinasakyang Mitsubishi Strada pick-up sa shuttle bus kahapon ng umaga sa bayang ito.

Ayon kay Subic PNP Station chief, Chief Insp. Leonardo Madrid, ang dalawang namatay ay sina Manuel Rodriguez, director ng Zambales Electric Cooperative (ZAMECO II), at Arlan Pascasio, driver ng Mitsubishi Estrada (HBE 549), kapwa idineklarang dead on arrival  sa San Marcelino District Hospital.

Samantala, nakaligtas sa kamatayan sina San Marcelino Mayor Elvis Soria, 52, at Ernesto Cudia, kapwa inoobserbahan sa Baypointe Hospital sa Subic Bay Freeport dahil sa malubhang pinsala sa kanilang katawan.

Sa paunang pagsisiyasat ni PO3 Laron ng Subic Police, sakay ng naturang Estrada pick-up sina Soria kasama ang tatlo pang biktima dakong 1:30 pm kahapon patungong norte sa San Marcelino.

Nang makarating sa Pamatawan Bridge sa Brgy. Pamatawan, Subic, isang south-bound Daewoo shuttle bus ng Hanjin Shipyard (AKA 5482) at minamaneho ni Noly Ebidag Jr., 36, ng Lucapon, Sta. Cruz, Zambales, ang humahagibis na kumabig sa kabilang linya at tuluyang sumalpok sa kasalubong na Estrada.

Sanhi nang pagsalpok, parang papel na nawasak ang katawan ng Estrada.

Ayon sa pulisya, nangangamoy alak pa si Edibag nang maaresto.

Nabatid sa impormasyon, una nang inireklamo ng ilang vendor si Edibag makaraang banggain ang ilang maliliit na tindahan sa tiangge sa bayan ng Castillejos.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, serious physical injuries at damage to property.

( CLAIRE GO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Claire Go

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …